Dasha POVMatapos kong makausap sina Nanay at Tatay, wala na, kalmado na ang lahat, pero imbes na magpahinga ako, lumabas ako ng bahay at pumunta rito sa garden ko.May mga kailangan pa kasing ayusin. May mga ligaw na damo, kaya pinagtatanggal ko muna. Marami-rami rin iyon kaya nalibang ako.Habang naglilinis ako doon, nagulat ako Calista na biglang lumitaw sa gate namin.“OMG, totoo nga!” sabi niya, kaya muntik ko nang maibato sa kaniya ang pasong hawak ko.“Nakakaloka ka naman, Calista!” sita ko sa kaniya.“Nag-chat kasi sa GC namin si Elco. Sinabi niyang nandito ka na sa probinsya, kaya ngayong papasok na ako sa work, naisipan kong daanan ka, eh, oh, totoo nga, nandito ka na, nakauwi ka na,” masaya niyang sabi, sabay tingin sa tiyan ko. “Kumusta, alam na ba nila?” tanong pa niya.“Oo, alam na nilang buntis ako pero hindi pa alam kung sinong ama, kaya shut up ka muna diyan at baka marinig ka nila,” sita ko ulit sa kaniya.Bigla naman niyang inabot sa akin ang isang slice ng cake. “O
Read more