Dasha POVNagkaroon ulit ako ng book signing para sa bagong book na kakalabas lang nung nakaraang araw. Nandito ako ngayon sa Mall of asia, kasama si Elco, Nanay at Tatay para suportahan ako.Ang haba ng pila at ang daming tao. Mananakit na naman ata ang kamay ko sa kakapirma. Pero okay lang dahil super happy ko na maraming bumili ng bagong book ko at marami ring gustong magpa-sign.After ng halos isang oras, natapos din ang nakapila. May iba na lumapit pa rin pero tapos nang magpapirma. Lumapit sila para magpa-picture, kaya sumama naman ako at hindi nagpaka-KJ.May mga bumati rin sa akin dahil kalat na sa social media na magiging movie na ang first ever published book ko.Pagkatapos ng event, nag-aya si Elco sa mamahaling kainan.“Ako po ang taya ngayon,” nakangiting sabi ni Elco.“Gusto ko ‘yan,” natutuwa namang sagot ni Tatay Darwin.“Pero, parang ako dapat ang manlibre dahil ako ang may event ngayon,” pigil ko kay Elco.“Oo nga, bakit si Elco, dapat ikaw, anak ang magpakain sa ami
Baca selengkapnya