Dasha POVToday, nakasakay na naman ako sa isang service car. Kailangan ko na naman kasing pumunta sa Goodnovel Ink Company. Kung dati, kinakabahan ako tuwing papasok sa building na iyon dahil pakiramdam ko ay napakalayo ng pangarap ko bilang manunulat, ngayon naman ay kabaligtaran na. Sa bawat pagpasok ko kasi roon, may bago na naman akong dahilan para ngumiti.‘Yung tipong palagi ko nang iniisip na may bagong biyaya, may bagong oportunidad, at may bagong pangarap na natutupad.Pagdating ko sa building ng Goodnovel Ink, agad akong binati ng mga staff na nakakasalubong ko. Sa tuwing mapapasok ako, ganoon ang laging bungad sa akin. Na para bang turo sila ng mga bossing namin dito na kahit sinong darating sa company ay kailangang binabati agad, mapa-umaga, tanghali, hapon o gabi man.“Good morning, Author Petalyn!”“Good morning din po!”“Good morning, Miss author!”“Good morning, Dasha & congrats po ulit!”Habang tumatagal ay mas dumadami pa ang bumabati sa akin sa company.Pagdating k
Magbasa pa