Hindi ako gumalaw.Kahit ilang minuto na ang lumipas mula nang umalis si Solid, nandito pa rin ako sa kama, nakatitig sa pintuan.Tahimik ang buong kwarto, pero ang dibdib ko parang may sariling mundo—ang lakas ng tibok, ang bigat ng pakiramdam.Sinabi niyang huwag akong lalabas.Sinabi niyang kahit anong mangyari.Pero hindi mawala sa isip ko ang pangalan na iyon.Valeria.Bumalik siya. At hindi siya nag-iisa.Napapikit ako sandali, pilit kinakalma ang sarili ko.Kaya ko ‘to. Kailangan kong magtiwala kay Solid.Pero habang tumatagal, mas lalo akong kinakain ng kaba.Hanggang sa may marinig akong mahihinang boses mula sa labas.Hindi ko sinasadya.Pero tumayo ako.Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pintuan, pilit hindi gumagawa ng ingay.Nakabukas nang bahagya ang pinto.At mula roon, narinig ko sila.“YOU REALLY BROUGHT HER HERE?”Isang lalaki. Hindi ko kilala. Malalim. Mapanganib.“ I didn’t bring her for you,” sagot ni Solid. Malamig. Diretso.Tumigil ako. Mas lalo akong napalap
آخر تحديث : 2026-03-31 اقرأ المزيد