Inakala ni Wyeth na nahiya lang si Riona kaya iniba nito ang usapan. Sabik itong nagkwento sa dalaga tulad ng nakasanayan nito noong college pa sila."Hay naku, buti ka pa! Ako kasi, medyo malas sa pag-ibig eh," kibit-balikat na panimula ni Wyeth habang sabay silang naglalakad papunta sa cashier. "Naalala mo ba 'yung ex-girlfriend ko noon? Gusto ko sanang magpakalayo-layo, magtayo ng sariling kumpanya nang hindi umaasa sa yaman ng pamilya ko. Pero ang bruha, ayaw sumama."Tumingin si Wyeth kay Riona na tila humihingi ng simpanya. "Sabi niya, hindi raw matutuwa ang mga magulang niya sa gusto ko at kapag naghirap ako hindi niya kami matatanggap dalawa. Pero ang totoo? Ginawa niya lang palusot 'yun para makipaghiwalay kasi nakahanap na siya ng ibang lalaking peperahan niya. Kaya nung nalaman kong niloloko niya ako, inunahan ko na siya, ako na ang nag-iwan sa kanya.""Sayang. Ganoon talaga minsan, Wyeth," magalang na sagot ni Riona at gusto na sanang magpaalam."Kaya nga saludo ako sa mga
Last Updated : 2026-05-11 Read more