Napakalayo ng restaurant na napili ni Andrea. Kung titingnan mula sa labas, halos walang ibang sasakyan na nakaparada at napaka tahimik ng paligid. Ang mga ilaw ay medyo madilim, nagbibigay ng isang nakakakilabot na aura. Nang makaupo si Riona sa pwesto nila, lalong lumakas ang kutob niya. Isang malamig na hangin ang tila yumakap sa kanyang balikat.Pasimple niyang iginala ang kanyang paningin sa halos walang-taong bulwagan. Tumingin siya kay Andrea, na noon ay abalang-abala sa pagtingin sa menu habang may nakapaskil na napakatamis na ngiti sa labi."Medyo malayo yata itong napili mong lugar, Andrea. Wala masyadong dumadaang sasakyan at sobrang tago," kalmado ngunit may diin na pansin ni Riona.Ibinaba ni Andrea ang menu, nagpangalumbaba at umarteng inosenteng-inosente. "Naku, pasensya na! Gusto ko lang kasing makabawi sa'yo at mag-iwan ng magandang impresyon!" malambing na tugon ni Andrea. "Sikat na sikat ang mga pagkain dito kahit medyo tago! Sulit na sulit dito, pangako! Ay, nga
Dernière mise à jour : 2026-05-25 Read More