Feeling ni Ezequiel, ang pagpipigil niya ng tatlumpu't taon ay masisira lang ngayong gabi. Pero pagkatapos ng isang segundo, binawi agad ni Riona ang sarili nitong alok. "Ay, wag na pala… Waaaah! M-may asawa ka na pala! Hindi ako pwedeng manira ng pamilya. Sige, ito na lang, gawin mo na lang akong alipin! Kung anong iutos mo, gagawin ko! Deal?!"Pinigilan ni Ezequiel ang sarili na ihagis si Riona sa kalsada dahil sa inis saka napapailing na lang.Maingat niyang binuksan ang pinto para sana isakay ang nagwawalang lasing sa backseat. Pero habang isinasakay niya ang dalaga sa loob, nag-umpisa na namang iwagayway ni Riona ang mga braso nito. Hindi sinasadyang dumapo ang palad ng dalaga sa matigas na ibabang bahagi ng tiyan ni Ezequiel, bago ito kumapit sa mga muscles sa braso ng lalaki."Wag mo akong hawakan." Pero imbes na makinig, natigilan si Riona nang maramdaman ang matigas na tiyan ng lalaki. Para itong nakadiskubre ng magandang bagay. Tumawa ito ng parang baliw at namangha. "M
Dernière mise à jour : 2026-04-25 Read More