Sa mga oras na 'yon, nasa loob si Magnus ng opisina niya. Sa harapan niya, nakakalat ang preliminary contracts ng investment ni Mr. Lazaro. Punong-puno siya ng excitement dahil bukod sa maliligtas na ang Valencia Group, tumawag pa si Riona sa kanya!Siguro nabasa na nito yung sulat niya! Nakita nito 'yung paper cranes! Sigurado siyang umiiyak na 'yon ngayon dahil nagsisisi itong magpakasal sa iba!"Magnus," kalmado at walang emosyong bungad ni Riona."Riona! Nabasa mo na, 'di ba?! Nakita mo na 'yung regalo ko?" Halos mabulol si Magnus sa sobrang pagmamadali. "Sabi ko na nga ba maiintindihan mo ako! Riona, lahat ng sinabi ko roon, totoo! Babalikan kita—""Kailangan nating mag-usap," malamig na putol ni Riona. "Ngayon din."Halos mabitawan ni Magnus ang cellphone niya. Sobrang atat naman yata ni Riona! Hindi na nga ito makapaghintay! Talagang naantig ito sa sulat at nalaman nito na siya pa rin ang totoong mahal nito!"Sige! Oo naman! Riona, nasaan ka? I-send mo sa akin 'yung location mo
Baca selengkapnya