Se connecterHalos isang buwan na ang nakalilipas simula noong dumating si Ysabella sa baranggay Mabasa sa bayan ng Dupax del Norte. May naging kaibigan na rin siya roon sa katauhan ni Shiela. Isang matandang dalaga na ilang bahay lang ang layo sa kaniya.Sa una, inakala niyang nakikiusyoso lamang ang ginang nang puntahan siya nito sa kaniyang bahay. Nagdala ng pagkain bilang pagwelcome daw sa kaniya. Marami itong mga kuwento. May mga katanungan na sinagot naman niya ng totoo. Iyong mga katanungan na kaya naman niyang sagutin. Ilang bagay lang naman ang iniiwasan niyang pag-usapan. Kung sa personal niyang buhay, iyong sa lalakeng minahal niya at nanakit sa kaniya ang pilit niyang huwag maging paksa ng anumang usapan. Batid niyang napansin iyon ni Shiela kaya hindi ito nagtatanong."Kung may kailangan ka Ysabella ay magsabi ka lamang sa akin..."Medyo ilag siya kay Shiela sa umpisa. Pero nang malaman niya ang sarili nitong kuwento ng buhay ay humanga siya dito at nagtiwala. Natawa pa nga siya dahi
"Wala na siya rito. Umalis na."Napaawang ang bibig ni Marco dahil sa balita. Bumalik siya sa club dahil siguradong sigurado na siyang si Ysabella ang nakamaskarang nagsasayaw doon."Saan siya pumunta?" Halos hindi niya maibulalas ang tanong na iyon dahil sa panibughong kumakain sa kanya. Akala niya tapos na ang paghahanap niya. Ngayon ay mukhang nabulilyaso na naman. Muli na namang nawala si Ysabella kung kailan ay abot kamay na niya sana.Namura niya tuloy ng lihim ang kaibigan. Kung hindi siya nito nilasing ay napuntahan sana niya kaagad si Ysabella."Walang nakakaalam," sagot ng kausap niya. Tinalikuran siya at umalis ito. Kumuyom ang kamao ni Marco. Anong sasabihin niya kay Angela ngayon? Gusto pa naman niyang surpresahin ang bata na nahanap na niya si Ysabella. Napurnada na naman. Kinuha niya ang telepono niya tsaka tumawag. "I need your help..."Kailangan na niya ng ibang tulong. Hindi na lang kasi ang paghahanap kay Ysabella ang kailangan niyang gawin. May kailangan na rin
Malawak ang ngiti sa mga labi ni Ysabella pagkababa ng tricycle na sinakyan mula sa bayan. Kailangan niyang sumakay pa papunta sa baranggay kung saan siya nakahanap ng bahay at lupa na agad niyang binili. Maliit lamang ang bahay at lupa kaya sakto lamang iyon para sa kaniya. May natira pa para makapagsimula siya ng kahit munting negosyo na hindi pa niya napagdesisyunan. Ang mahalaga ay ang muli siyang makatayo sa sariling mga paa. Bagay na kay hirap gawin noon dahil sa anino ni Daniel sa buhay niya, maging ng mga taong nakapalibot dito. Huminga siya ng malalim. Panahon na para kalimutan niya ang nakaraan. Yakap niya ang vase na kinalalagakan ng abo ng kaniyang ina. Nagdesisyon siyang ipa-cremate ang mga buto ng ina para madali na lamang niyang madala ito sa kahit saan. At least kahit papaano ay kasama na niya ito. Abo man ito, ang alaala nito ay mananatiling lakas niya sa pagharap ng panibagong buhay. "Nandito na tayo, Miss," ika ng tricycle driver. Sumilip pa ito mula sa motor. M
Nagising si Ysabella. Ramdam niya ang mabigat na pakiramdam sa kaniyang ulo. Napasapo pa nga siya roon habang pinakiramdaman ang sarili. Sumigid lalo ang pananakit sa kaniyang ulo nang maalala ang huling kaganapan bago siya mawalan ng malay.Nagtiim bagang siya habang napakuyom. Halos mawalan ng kulay ang kaniyang kamao dahil sa higpit ng pagkakakuyom sa reyalisasyong...She was set up.Wala siyang saplot sa ilalim ng kumot na iyon. Ramdam niya ang sariling katawan. Ang pagod. Wala siyang maalala pero tiyak niyang may nangyari sa kaniya.Lumuha siya. Gusto niyang sumigaw at magwala nang maramdaman ang paggalaw ng isang pigura sa tabi niya. Naroon pa ang lalakeng gumawa sa kaniya ng bagay na iyon.Mabalasik na tiningnan niya ang lalakeng nasa tabi niya. Mapapatay niya ito! Papatayin niya ito...Ngunit ang mabalasik na mga mata ay biglang nanlaki. Bumagsak ang panga niya at lalo siyang nakaramdam ng pagpupuyos sa kalooban. Bumuhos lalo ang kaniyang mga luha na siyang tila bumulag sa k
Gabi ng private na pagsayaw...Bihis na si Ysabella. Bagong costume ang suot niya. It's not so revealing. Tago pa rin ang ilang bahagi ng kaniyang katawan. Tinatakpan pa rin ng costume na iyon ang malaking pilat niya sa likod. Pero sapat din naman ang suot niya para lumabas ang itonatago niyang kamandag. Pinaghandaan niya ang gabing iyon. Her costume fits her perfectly. Pasasalamat na rin niya sa lalaking magiging dahilan para lumaya siya.Isinuot niya ang kaniyang maskara. Kalahati niyong ng kaniyang mukha. Mula sa mga mata niya hanggang sa ilong. Makikita ang mapupula niyang mga labi. Nasa isang room siya sa hotel. Ni-book iyon ng kanyang manager at sa kaharap na kuwarto ay kung saan niya sasayawan ang lalakeng nagbayad ng malaki para sa kaniya. Huminga siya nang malalim. Oras na para sa susi ng kaniyang kalayaan.Hindi na niya kailangan pang kumatok sa pinto ng kuwarto. May sarili siyang susi. At pagbukas niya ng pinto, bumungad sa kaniya ang may kadiliman na kuwarto. Sapat lang
"Belle, bukas ng gabi..."Tumango siya. So it is settled.Mapait siyang napangiti. Para sa pera. Para makatakas sa anino ni Daniel. Magagawa niyang isakripisyo ang sariling prinsipyo. "Sasayaw ka sa harap niya ng isang oras..."Tumango siyang muli. Iyon ang usapan kapalit ng pera.Hindi pa rin niya lubos maisip na may gustong bayaran siya ng ganoong kalaking halaga para sa isang private performance. Nakakapagduda pero iyon lang ang tanging paraan niya para makakuha ng malaking halaga sa madaling panahon. Kung hindi niya susunggaban ang pagkakataon. Kailan pa? Kung kailan lalo siyang hihigpitan ni Daniel?Hindi siya papayag.Speaking of Daniel. Hindi na rin niya nakikita ang lalake sa club. Kung bakit ay ayaw na niyang alamin pa. Mas maigi nga iyon dahil malaya siya at hindi laging kinakabahan o kailangan magtago dito. Pauwi na siya at naglalakad nang magring ang telepono niya. Unknown number.Balak sana niyang ignorahin ang tawag. Sa unang tawag ay binalewala niya talaga iyon. Pe
"What are you up to, Daniel?" Tanong na nakapagpatigil kay Daniel sa pag-akyat ng hagdan. Balak niyang hindi na gambalain si Granny Mira sa ginagawa nito pero napansin pala siya nito.Humarap siya sa matandang Lincoln."What do you mean, Granny?" Tanong niyang tila walang ganang kausapin ang matand
Nang marinig ang sinabi ni Lucy ay napatayo agad si Daniel. Nabitiwan niya ang magazine at natabig ang tasa na pinag-inuman ng kape. Mabilis ang lakad niya. Halo-halong emosyon ang sumasalakay sa kaniyang sistema. Pero ewan niya, biglang nangibabaw ang takot. Takot sa kung saan ay hindi niya a
"Ha!"Nagulat si Ysabella nang may bumuhos na malamig na tubig sa kaniyang mukha. Agad siyang napabangon. Napatingala kaagad sa lalakeng nasa gilid ng kama niya. "D-Daniel..." utal niyang saad. Napuno ng takot ang sistema niya. Agad na nayakap ang sarili. Awtomatiko ang reaksyon niyang iyon kapag
"Who said I'm afraid? Kahit mahuli pa niya tayo, it doesn't matter to me. Wala din naman siyang magagawa, hindi niya din kayang iwanan ako..."Natutop ni Ysabella ang kaniyang bibig habang naririnig ang mga katagang iyon mula sa kaniyang asawa. Nasa labas lamang siya ng opisina nito. Nakauwang baha







