"Congratulations, Ysa. You made it," bati ni Raj. Sa pagbubukas ng gallery, maraming humanga. Maraming bumati at maraming namangha sa mga gawa niya. At sa araw na iyon, kahit papaano, nakilala si Ysabella.Ysabella na hindi maid ng pamilya Lincoln kundi isang painter. Isang artist.Kinuha niya ang kamay ni Raj. "Salamat Raj. Kung hindi dahil sa iyo, hindi ko matutupad ang pangarp na ito..."Masuyong ngumiti si Raj. "You deserve this. Habang narito ako, I'll set the stage for you to shine. If I need to build a stage for you, I will. Just for you, Ysa..."Namuo ang luha sa mga mata ni Ysabella. Napasalamatan na niya ang lalake ng ilang beses. Pero batid niyang hindi sapat ang pasasalamat lang. Pinapangako niya sa kaniyang sarili, gagawa din siya ng isang bagay para dito. Kapag kailangan siya ni Raj, she will be there na walang alinlangan."Ysabella," tawag sa kaniya ni Theo. May kasama itong matandang lalake. Mukhang may kaya batay sa suot nito. "This is Mr Walter. He wants to buy one
Dernière mise à jour : 2026-04-29 Read More