Nagtataka si Daniel na binitiwan ang telepono. Kumunot pa ang noo niya dahil sa ikinilos na iyon ni Charlotte. Kaya naman pagkatapos niya sa kaniyang trabaho ay tumaas siya sa floor ng kanyang kapatid. Hindi para i-check ito kundi para makita kung anong ginagawa ng kaniyang kapatid. Sa pag-ding pa lang ng elevator at paglabas niya doon ay kakaiba na ang nararamdaman niya. It feels weird, dahil tahimik doon. Hindi katulad noong naroon siya na super busy. Hindi magkandaugaga ang mga secretary sa mga ipinag-uutos niya.Speaking of busy. Nagtaka siyang naroon pa si Charlotte at subsob sa kung anong papeles. Sa mga secretary niya noon, si Charlotte ang hayahay sa trabaho. Dahil malapit siya dito. Dahil sa tingin ng iba, espesyal ang babae sa kaniya.She is somewhat special, of course. Batay sa kung anong halaga ng babae sa kaniya."Hmmm," tikhim niya para kunin ang atensiyon nito. Agad na nagliwanag ang mukha ng babae nang makita siya."Oh, Daniel...buti at nandito ka..." ika nitong tila
Dernière mise à jour : 2026-05-09 Read More