Third Person’s POVMatapos ang maikling pahinga, muling bumalik si Sebastian sa covered court. Abala pa rin ang lahat sa paghahanda para sa Science Fair—mas maingay na ngayon, mas magulo, at mas maraming kailangang tapusin bago matapos ang araw. Hindi na siya nagsalita pa nang marami at agad na bumalik sa trabaho, inaayos ang mga mesa at materials na kailangang ilatag. Maayos ang galaw niya, organisado, pero mas tahimik kaysa kanina.Hindi nagtagal, muling lumapit si Sophia. Hawak nito ang ilang papers at tila naghahanap ng dahilan para mapalapit. Tumabi siya kay Sebastian, masyadong malapit para sa isang simpleng tanong, at bahagyang yumuko para makita ang ginagawa nito.“Sir, dito po ba ito ilalagay?” tanong niya, may ngiti sa labi.Hindi agad tumingin si Sebastian.“Doon,” maiksi niyang sagot sabay turo sa kabilang table.Kahit ganoon, hindi pa rin siya umaalis. Sa halip, sinundan niya ang galaw ni Sebastian, inaabot ang mga gamit na kaya naman nitong gawin mag-isa.“Sir, ako na po
最後更新 : 2026-04-26 閱讀更多