Quinn Scarlett Laurent’s POVHindi ko agad napansin kung gaano kaganda yung lugar hanggang sa tuluyan akong humakbang palayo sa kanya at lumingon sa paligid. Kanina kasi, parang si Sebastian lang ang nakikita ko, pero ngayon—mas malinaw na sa akin kung nasaan kami. Tahimik ang rest house, parang hiwalay sa mundo. Kahoy ang karamihan ng estruktura, may halong bato sa ilalim, at yung bubong ay mataas na parang sinasalo ang malamig na hangin mula sa bundok. Napapalibutan ito ng matataas na puno, yung tipong kailangan mong itingala ang ulo mo para makita ang dulo, at habang gumagalaw ang mga dahon dahil sa hangin, nagkakaroon ng mahinang tunog na lalong nagpapatahimik sa buong lugar. Sa gilid ng bahay, may mga ilaw na nakasabit—warm ang kulay—kaya kahit maliwanag pa, may cozy na pakiramdam na agad.Sa harap namin, nakapwesto ang hotspring. Hindi siya maliit; malapad siya at mukhang natural na bahagi ng lupa, parang matagal na itong nandito bago pa itinayo ang bahay. May manipis na usok na
Last Updated : 2026-05-03 Read more