Quinn Scarlett Laurent’s POVPagkalabas namin ng Acad Office ay agad kaming apat na nagkatinginan.“Ano na?” tanong ni Shane habang hawak pa rin ang folder na kanina ay bitbit niya sa loob.“Ano pa, lunch break na,” sagot ni Diane, halatang pagod na rin. “Aakyat na ba tayo?”“Oo, tara na sa station,” sabi ni Miza habang inaayos ang attendance folder na nasa kanya. “Doon na lang tayo kumain.”Tahimik lang akong tumango at saka inayos ang hawak kong notebook. Sumunod na ako sa kanilang tatlo palabas ng building. Halos sabay-sabay kaming naglakad patungo sa hagdan, at kahit tanghali na ay ramdam ko pa rin ang pagod sa paa ko.“Grabe, second day pa lang pero parang pang-isang buwan na ’to,” reklamo ni Shane habang paakyat kami.“Kulang pa nga ’yang reklamo mo,” sagot ni Diane. “Ako nga feeling ko natunaw na buong mukha ko sa init.”“Kasalanan mo ’yan, arte mo kasi sa make-up,” sabi ko rito.Lumiko siya sa akin. “Excuse me? Hindi ko kasalanan kung maganda ako.”Napatawa tuloy si Miza. “Sig
Zuletzt aktualisiert : 2026-04-08 Mehr lesen