Quinn Scarlett Laurent's POVIt's Saturday today, at dahil wala naman kaming pasok—tanging online class lang with our formator mamayang five ng hapon—sumama ako kay Mama sa palengke para tulungan siya sa pagtitinda.Maaga pa lang ay maingay na ang paligid. Halo-halo ang amoy ng isda, karne, at gulay, at paminsan-minsan ay may sumisingit na amoy ng kape mula sa karinderya sa gilid. Sanay na ako rito, pero minsan napapaisip pa rin ako kung paano natitiis ni Mama ang ganitong araw-araw."Aba, kumare, 'yan na ba ang inaanak ko?"Habang nagsisilid ako ng hipon sa plastic, napatingin ako sa nagsalita. Medyo pamilyar ang mukha nito, pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita. Narinig kong kausap niya si Mama ngayon doon sa labas ng pwesto."Yah! Oo, kumare," sagot ni Mama rito, halatang masaya sa biglaang pagkikita."Pagkagandang bata."Muli kong ibinalik ang aking tingin sa ginagawa ko dahil sa hiya. Ramdam ko na naman 'yung init sa pisngi ko—isang bagay na hindi ko pa rin makontrol han
Zuletzt aktualisiert : 2026-04-11 Mehr lesen