Quinn Scarlett Laurent's POVHindi ko namalayang napasandal na rin pala ang ulo ko sa mesa habang nakatingin sa kanya.Tahimik lang ang paligid.Bigla—Bahagyang gumalaw si Sir.Dahan-dahan niyang inangat ang ulo niya.Napahinto ako.Nahuli niya akong nakatitig.Nanlaki ang mata ko at agad akong umayos ng upo.“S-sir… gising ka na?” mabilis kong sabi.Bahagya siyang napapikit ulit, halatang mabigat pa rin ang pakiramdam.“Hmm…” mahina niyang tugon.Tumayo agad ako.“Kumain ka muna. Ipinagluto kita,” sabi ko habang inaabot ang mangkok ng lugaw.Umiling siya.“Later…” paos niyang sabi.“No, sir. Ngayon na,” sagot ko agad.“I just want to sleep…” dagdag niya, pikit pa rin ang mata.Napabuntong-hininga ako.“Sir, huwag kang makulit,” sabi ko, medyo tumigas ang tono ko.Bahagya siyang napadilat at napatingin sa akin.Hindi ko na pinansin.“Halika, tayo ka,” utos ko.Hindi siya gumalaw.“Sir…”Tahimik.Napailing ako.“Grabe ka. Para kang bata,” sabi ko, saka ko siya hinawakan sa braso.“Sta
Última atualização : 2026-04-16 Ler mais