Quinn Scarlett Laurent's POV“Nag-aano ka rito? Baka magkadumi ka rito!” pasigaw na sabi ni Mama sa akin nang makita akong nakatayo sa harapan ng kanyang puwesto.“Yah! Mama, hindi mo man lang sinabi na dala mo pala si Kisses. Alam mo bang mas malakas pa sa speaker nila Aling Mina yung tibok ng puso ko kanina kasi akala ko nawawala siya?” sabi ko sa kanya.Tumawa naman ito sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin bago ako lumapit sa aking aso na halos mahulog at tumalon na papunta sa akin.Si Kisses ay isang Shih Tzu princess type kaya napakaliit lang nito. Five years ko na itong alaga at mahal na mahal ko kaya ganoon na lang ang reaksiyon ko noong hindi ko ito makita kanina.“Paano naman ’yan mawawala, double-double na nga ang harang doon sa bahay,” nakangiting sabi nito. “At saka hindi niyan iiwan ang Lola, ’di ba, Kisses?” malambing pa nitong dagdag.Napailing-iling na lang ako. “Oh sige na, Ma, aalis na ako at baka mahuli pa ako at ma-traffic.”“Oo nga, tama, sige na, umalis ka na,” na
最終更新日 : 2026-04-02 続きを読む