HECTOR VALDERAMA'S POV "Mom...stop overreacting. Naayos na namin ni Shania ang problema. Wala kaming naging misunderstanding," agap ko ng makita ko kung paanong nanlaki ang mga mata ni Mommy. Binanggit ko kasi sa kanya ang pagyakap sa akin ni Felicia sa labas ng boutique. "Why did you even let Felicia hugged you in the first place?" nakapamewang niyang tanong, parehong nakataas ang kilay habang nakatayo sa harapan ko. Maya-maya pa ay nakita kong umupo si Daddy sa sofa sa may likuran ni Mommy. I looked at him, asking for help but he only shrugged his arms..like it's his way of telling me that there's nothing he can do. Huminga ako nang malalim bago magsimula magpaliwanag. "I was talking to that on the phone. Pero nang naramdaman ko na may yumakap sa akin ay ibinaba ko naman ang tawag at inalis ang mga brasong nakapulupot sa baywang ko. Hindi ko rin naman inasahan na nandoon si Felicia," nanghihinang paliwanag ko. Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo ni Mommy. Hanggang sa kumalm
Read more