SHANIA'S POVHindi ko namalayang muli akong napaluha. Hindi dahil sa sakit. Kundi dahil sa pananabik at saya na makita ang anak ko. Ilang minuto matapos akong magising ay marahang bumukas ang pinto ng silid. Pumasok ang isang nurse. May karga siyang maliit na bundle na nakabalot sa puting kumot. At masyadong maingat ang pagkakakarga niya doon.Parang kusang huminto ang paghinga ko.Hindi ko maialis ang tingin ko roon.Ngumiti ang nurse."Ready na po ba kayong makita ang baby ninyo, Mrs. Valderama?"Hindi ko agad nasagot. Tumango lang ako habang tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko.Napansin kong agad na lumapit si Hector sa gilid ng kama ko. Maingat niyang inalalayan ang likod ko upang bahagya akong makaupo nang maayos."Easy..."..ahina niyang bulong. "Huwag mong biglain ang sarili mo."Hindi pa rin maalis ang tingin ko sa maliit na sanggol na papalapit sa amin. Hanggang sa tuluyan siyang inilagay ng nurse sa mga bisig ko.Nanigas ako. Parang natakot ako bigla na gumalaw.Napakaliit
Baca selengkapnya