VIENRIELLE GEAE VALDERAMA "Wait." Unti-unting bumaling sa akin si Amanda, nanlalaki ang mga mata. "You mean that Rourick Montenegro? Iyong Rourick Montenegro na—" "Yes." " iyong may-ari ng—" "Amanda." "At iyong pamilya nila ang—" "Oo nga," asik ko at muling sumubo ng panibagong hiwanf mansanas. Napahinga ako nang malalim at muling ibinalik ang tingin sa lalaki. Sa pagkakataong iyon, para bang may kung anong kutob na nagsabi sa akin na huwag na siyang tingnan. Na dapat akong tumayo, hilahin si Amanda palabas ng bar, at kalimutan na lang na nakita ko siya. Unfortunately, I had never been particularly good at listening to my instincts. Lalo na kapag ang pride ko ang nakataya. "Anong ginagawa niya rito?" bulong ko. "Girl, bakit parang kasalanan niyang pumunta rito?" maingat na tanong ni Amanda. "Public place naman ito." "Alam ko." "Then?" "Then, nothing." Muli kong dinampot ang tinidor at isinubo ang natitirang mansanas, pilit na nagpapanggap na wala akong pakialam. Wala
อ่านเพิ่มเติม