EVORIE EVE Habang seryosong nakikipag-usap si Alistair sa cellphone, ang isa niyang kamay ay hindi bumibitiw sa pagkakahawak sa akin. Marahan niyang hinahaplos ang ibabaw ng mga daliri ko. I decided to intertwine our fingers bago muling ibinaling ang tingin ko sa labas ng bintana. Ngayong araw ang schedule ng una kong check-up at lumiban muna siya sa trabaho niya para samahan ako sa ultrasound ko. Nang huminto ang sasakyan sa tapat ng isang sikat at pribadong klinika, mabilis siyang bumaba para siya na mismo ang magbukas ng pinto para sa akin. Inilagay niya ang palad niya sa ibabaw ng ulo ko para hindi ako mauntog, bago hinapit ang baywang ko pagkapagbaba ko. “Are you feeling okay, baby? Sumasakit pa ba ang ulo mo?” may pag-aalalang tanong niya habang naglalakad na kami papasok sa loob ng gusali. “I’m fine, Alistair. Medyo kinakabahan lang,” pag-amin ko, isinasandal ang ulo ko sa balikat niya. Pagkapasok namin sa loob ng klinika, agad kaming sinalubong ng staff. Matapos kaming i-
続きを読む