EVORIE EVENakatayo ako sa gilid ng engrandeng entablado ng Grand Ballroom sa Heinz Hotel, hawak ang pointer at mic ko. Ngayong gabi ang pinakamalaking milestone ng karera ko, ang opisyal na unveiling ng luxury jewelry collection ko para sa Eve & Elite Designs.Ilang buwan ko itong pinaglaanan ng oras. Napakaraming gabing wala akong tulog, at ibinuhos ko ang buong puso ko para mabuo ang L'Aurore – an exceptional jewelry collection inspired by the beauty of the sunrise and the promise of new beginnings.Mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko ang mga kilalang personalidad, mga negosyante, at mga kritiko mula sa iba't ibang panig ng Asya. Pero sa pinakadulong bahagi ng bulwagan, bahagyang natatakpan ng dilim, naroon ang napaka-supportive kong asawa na si Alistair. Nakasuot siya ng simpleng itim na tuxedo, nakakrus ang mga braso, at tahimik lang akong pinagmamasdan, may halatang pagmamalaki sa mga mata niya.Nang mag-cue ang stage director, huminga a
続きを読む