“Ulam pa po, Pa?” offer ko kay Rolando, pilit na nagpapakitang-tao sa tatay na dakilang konsintidor.“I’m already full, Evorie,” aniya bago pinahiran ang gilid ng labi gamit ang linen napkin. Tumingin siya sa akin nang diretso, at ang mga mata ay tila nangingilatis. “So... naghiwalay na nga talaga kayong dalawa ni Rafael?”Malimit akong napangiti sa kanya. “Opo,” maiksing sagot ko.“Pero halata naman sa mga mata ninyo na mahal pa ninyo ang isa’t isa. Bakit kailangan pa ninyong maghiwalay?”Hilaw lamang akong napangiti habang isang mapait na emosyon ang pilit kong ikinukubli.“Kung pwede lang na huwag na kaming maghiwalay, Dad,” ani Rafael. Bakas ang matinding kaseryosohan sa kanyang boses habang nakatitig sa akin.“Pwede niyo naman pag-usapan iyan, Rafael at Evorie. Sapalagay ko naman ay madadaan pa ninyo sa isang masinsinang usapan,” payo ni Rolando.Napatayo na ako, handa nang tapusin ang usapang ito. “Mas mabuti na rin na maghiwalay kami ni Rafael, Pa. Divorce isn’t the end of ev
Última atualização : 2026-04-21 Ler mais