Share

Chapter 043

Author: Michellara
last update publish date: 2026-04-20 23:20:40

“Rafael, ano bang nangyayari sa 'yo? Bakit kinakampihan mo ang babaeng iyan?” Isang matinis at halos pahiyaw na boses ni Violet. Namumula na ang kanyang mukha sa galit habang matalim ang titig kay Rafael.

“Dahil wala naman siyang ginagawang masama,” simpleng sagot ni Rafael. Ang boses niya ay kalmado pero may pinalidad na ikinatwa nang pagak ni Violet.

“Anong wala? Nakikipaghalikan siya sa iyo!” paimpit na sigaw niya. Agad siyang bumaling sa akin at idinuro ako nang may panginginig sa daliri. “
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 048

    “Ulam pa po, Pa?” offer ko kay Rolando, pilit na nagpapakitang-tao sa tatay na dakilang konsintidor.“I’m already full, Evorie,” aniya bago pinahiran ang gilid ng labi gamit ang linen napkin. Tumingin siya sa akin nang diretso, at ang mga mata ay tila nangingilatis. “So... naghiwalay na nga talaga kayong dalawa ni Rafael?”Malimit akong napangiti sa kanya. “Opo,” maiksing sagot ko.“Pero halata naman sa mga mata ninyo na mahal pa ninyo ang isa’t isa. Bakit kailangan pa ninyong maghiwalay?”Hilaw lamang akong napangiti habang isang mapait na emosyon ang pilit kong ikinukubli.“Kung pwede lang na huwag na kaming maghiwalay, Dad,” ani Rafael. Bakas ang matinding kaseryosohan sa kanyang boses habang nakatitig sa akin.“Pwede niyo naman pag-usapan iyan, Rafael at Evorie. Sapalagay ko naman ay madadaan pa ninyo sa isang masinsinang usapan,” payo ni Rolando.Napatayo na ako, handa nang tapusin ang usapang ito. “Mas mabuti na rin na maghiwalay kami ni Rafael, Pa. Divorce isn’t the end of ev

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 047

    “Ikaw rin naman ah. Hindi ka itinuring na ina ni Ginge—” Inis na pinalo ni Rolando ang mesa para patahimikin silang dalawa. Napatingin ako sa matanda. Alam kong ayaw niyang malaman ko na hindi ko totoong anak si Ginger kaya siya mabilis na umeksena. Lahat sila, akala nila ay hindi ko pa alam ang totoo.“Tama na iyang usapan na iyan. Kumain na lang tayo,” saway ni Rolando—ang tatay ni Rafael na kahawig ni Yshmael. Mas matanda si Yshmael nang dalawang taon kay Rafael. Tatlo silang magkakapatid at babae ang bunso na kasalukuyang nasa ibang bansa dahil doon ito nag-aaral. Yshmael is still single. Wala siyang sineseryosong babae at puro paglalaro lang ang alam niya, kaya nga siya tinagurian na isa sa mga playboy sa angkan ng mga Vanderbilt. Hindi lang siya ang womanizer sa nasabing pamilya dahil marami sila. Parang nasa dugo na yata nila ang pagiging habulin o pagiging babaero. “Kung hiwalay na nga talaga kayo ni Rafael, baka pwede na akong manligaw sa iyo, Evorie,” muling panimula ni

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 046

    Evorie Eve“Ayos ka lang ba?” tanong ni Alistair sa kabilang linya habang magkausap kami sa phone. Nasa loob ako ng banyo at sinadya ko siyang tawagan dahil alam kong kanina pa siya nag-aalala sa akin. Ramdam kong hindi siya mapakali mula nang malaman niyang naririto ako sa poder ni Rafael.“Oo, ayos lang ako,” sagot ko habang nakaupo sa ibabaw ng toilet cover. Kanina, nang muling makatulog si Ginger at naging tahimik na sa paligid, bigla akong nilamon ng kakaibang panghihina. Hindi ako makapaniwalang nagawa ko ang unang yugto ng plano ko ngayong gabi.“Magpapasundo ka na ba?” “Ali, dito ako matutulog,” diretsong sagot ko. Isang mabigat na katahimikan ang sumunod na namayani sa kabilang linya.“Ali?” tawag ko sa kanya dahil tila nawala siya sa linya. “Are you mad?” Narinig ko ang kanyang mahinang pagbuntong-hininga. “I don’t trust Rafael, Eve; kaya hindi ko maiwasang mag-alala sa iyo,” aniya. Isang pag-amin na nagpaguhit ng ngiti sa aking mga labi.“Don’t worry too much, baby. I

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 045

    “Violet, huwag ka namang magbiro. Seryoso ka ba talagang aalis ka?” bungad ni Rafael, bagaman bakas sa kanyang tono ang pagod kaysa sa pag-aalala. Ang boses niya ay wala nang sigla, parang sawa na at ayaw na ring makipagtalo.“Oo! Lalayas na ako! Mas pinili mo ang babaeng iyan kaysa sa akin, kaya ako na lang ang aalis!” may kasama pang pilit na pag-iyak ang saad niya habang ang kanyang mga mata ay nanunuri, naghihintay ng pagsuyo.Napabuntong-hininga si Rafael, halatang nauubusan na ng pasensya sa laro ng babaeng ito.“Sige... ihatid na kita sa gate,” aniya rito, sabay akmang kukunin ang maleta sa kamay ni Violet.Ang kilos na iyon ni Rafael ang lalong nagpainis kay Violet. Inaasahan niya siguro na luluhod si Rafael at magmamakaawang manatili siya, pero kabaligtaran ang nangyari.“Ginagalit mo ba talaga ako, Rafael! Hindi mo man lang ba talaga ako pipigilan? Huh?!” Sa tindi ng kanyang galit ay inis niyang sinipa ang maleta, pero imbes na tumalbog ang gamit ay siya ang napaatras. Napah

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 044

    “Pwede mo naman sigurong piliin muna ako kaysa kay Violet kahit ngayong gabi lang. Kahit sa huling pagkakataon—piliin mo naman ako, Rafael.”“Hindi ako papayag! Huwag kang pumayag, Rafael!” singit ni Violet, habang pilit na nagpipigil ng emosyon.“Hindi kita paaalisin, Evorie. Wala iyon sa isip ko,” malumanay na sagot ni Rafael sa akin, na siyang muling ikatunganga ni Violet.“What? No! Rafael, get this woman out of here! Kapag hindi mo siya pinaalis ngayon din ay ako ang aalis at hinding-hindi mo na ako muling makikita!” pananakot ni Violet rito.“Violet naman... isang gabi lang siya matutulog rito. Napirmahan ko na rin naman ang divorce papers kaya magiging malaya na ako. Pagbigyan mo naman ang hiling ni Evorie. Mabuti nga at naging mabait pa siya sa atin dahil hindi siya nag-file ng adultery case laban sa ating dalawa. Isang hiling lang ang gusto niya—ang matulog sa mansiyong dati niyang itinuring na tahanan,” paliwanag ni Rafael.Inis na napapadyak ng paa si Violet na parang isang

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 043

    “Rafael, ano bang nangyayari sa 'yo? Bakit kinakampihan mo ang babaeng iyan?” Isang matinis at halos pahiyaw na boses ni Violet. Namumula na ang kanyang mukha sa galit habang matalim ang titig kay Rafael.“Dahil wala naman siyang ginagawang masama,” simpleng sagot ni Rafael. Ang boses niya ay kalmado pero may pinalidad na ikinatwa nang pagak ni Violet.“Anong wala? Nakikipaghalikan siya sa iyo!” paimpit na sigaw niya. Agad siyang bumaling sa akin at idinuro ako nang may panginginig sa daliri. “At ikaw, Evorie! Ang landi mo rin, 'no? Pagkatapos mong angkinin si Alistair, babalik ka rito para landiin naman si Rafael?”Inarko ko ang isa kong kilay habang nananatiling kalmado. Ang labi ko ay may bahid ng isang mapang-uyam na ngiti. “Sino ang unang nanlandi sa lalaking may-asawa, Violet? Ako ba?”Napangalit ang kanyang mga ngipin sa tanong ko, pero hindi ako nagpatinag.“Baka nakakalimutan mo na asawa ko pa rin si Rafael,” tuloy ko, sabay mas hinigpitan ang kapit ko sa braso ng lalaking na

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 016

    Ydrael Alistair“Hawakan mo ito, hijo,” sabay abot niya sa akin ng isang kapirasong tela na tila ba gawa sa pinakamahal na cotton.“Para kanino ito, Grandma?” usisa ko habang dinadama ang lambot niyon sa aking mga daliri. Kahit hindi ko nakikita, ramdam ko sa laki at disenyo na damit ito para sa is

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 012

    Napakunot ang noo ni Alistair sa narinig, habang ako naman ay nanatiling nagmamasid sa kanila nang may kalmadong mukha, tahimik na hinihintay ang susunod nilang hakbang.“Rafael, huwag ka namang tanga. Gamitin mo naman ang utak mo. Huwag kang basta-basta pipirma nang walang kapalit!” bulyaw ni Viol

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 010

    “Rafael, tama na iyan!” saway ni Yvette nang halos mapatid na ang paghinga ni Violet sa mahigpit na pagkakasakal niya.Napaubo nang ilang ulit ang kapatid ko, desperadong humahagok ng hangin upang muling mapuno ang kanyang mga baga matapos siyang marahas na bitawan ni Rafael.“Ako na ang sasagot pa

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 008

    “Ydrael... hindi ko mapapalampas itong ipinagawa mo sa anak ko,” panimula ni Yvette, ang kanyang boses ay nanginginig sa matinding insulto bago niya marahas na hinila ang anak para patayuin.Napilitan namang tumayo si Rafael.“Ikaw rin, Violet. Tumayo ka,” utos nito sa kapatid ko.Pinilit ni Violet

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status