Ydrael Alistair“May ipapaayos pa po ba kayo sa marriage agreement at sa list of conditions, sir? May aalisin o may idadagdag pa po ba kayo?” mahinahong ani Xander, ang aking Chief of Staff. Ang kanyang boses ay may bahid na ng pagod, bakas ang ilang oras na pagtutok sa mga legal na dokumentong magtatali sa amin ni Evorie.Muli akong napaisip, pilit na inaalala ang bawat sugnay na binasa niya kanina. Ilang ulit na rin kaming nagbawas at nagdagdag ng mga kondisyon kaya sa tingin ko ay wala na itong butas.“Wala na, Xander. I think okay na iyon,” tugon ko, dahilan upang makahinga siya nang maluwag.“Mabuti naman po, sir, hehehe. Makakauwi na po ba ako?” aniya, halatang pilit ang pagkakatawa.Napansin kong napaatras na siya, humakbang ng dalawang beses, at halatang uwing-uwi na.“Hindi pa. Hindi ka pa makakaalis,” agad kong pigil sa kanya sa isang mabigat at seryosong tono.Tuwid akong nakaupo sa aking swivel chair bago naitukod ang dalawang siko sa ibabaw ng mesa at ipinatong ang baba s
Última atualização : 2026-04-12 Ler mais