Evorie Eve“Rafael... ako ang n-nagdesisyon na maglasing,” ani ko sa kanya, ang bawat salita ay putol-putol at hindi na tuwid. Nanlalabo na rin ang paningin ko pero kahit natamaan na ng kalasingan ay nasa tamang pag-iisip pa rin naman ako.“Hindi ka dapat nagtitiwala kay Mael, Evorie. Ilang beses na ba kitang pinagsabihan na huwag mong susubukan na lumapit sa kanya. You know he's a womanizer. Something bad might happen to you while you're with him!” sermon niya sa akin habang ang kanyang mga bisig ay mahigpit na nakapulupot sa baywang ko. Tiningnan niya nang matalim si Yshmael at ganun rin ang kapatid niya.“Oo, alam ko namang babaero ako. Pero hindi ako nagte-take advantage sa babae na walang consent,” agad na kontra ni Mael, habang pilit pa ring hinahawakan ang kabila kong kamay, walang balak na ibigay nang ganoon kadali kay Rafael.“Bitiwan mo na siya, Mael. Ako na ang bahala sa kanya,” aniya, ang boses ay mas bumigat at bakas ang pagbabanta sa tono.“Ah... baka ikaw ang may bina
Última atualização : 2026-04-23 Ler mais