LOGINInabot ko ang baso ng tubig at marahang uminom. Pagkatapos ay kinuha ko ang table napkin para punasan ang gilid ng labi ko.“Alam mo, Yshmael... alam ko naman na hindi ka masamang tao.”Kahit hindi ko pa nakukumpirma kung sino nga talaga ang taong nasa likod ng maskara, nararamdaman kong hindi siya tunay na kidnapper kung umasta. Kahit sabihin pa niyang may layunin siyang mabawi ang kompanya mula sa mga kamay ng tiyuhin niya, hindi iyon sapat para paniwalaan kong masama siyang tao.Napaayos siya ng tayo sa sinabi ko at bahagyang natawa, ngunit bakas ang pait sa kaniyang mukha.“Nagkakamali ka. Napakasama kong tao. Hindi mo ba alam na makailang ulit ko nang pinagtangkaan ang buhay ni Uncle?”Muli kong sinalubong ang kaniyang paningin.“Mga ilang beses na?” tanong ko sa kalmadong tinig.“Hindi ko na mabilang.”Naisipan ko siyang ngitian, bagay na ikinakunot naman ng noo niya.“Mga ilang beses na... pero h
EVORIE EVENakatulala pa rin akong nakatitig sa tray na nasa harapan ko. Hindi pa rin nanunumbalik ang gana ko sa pagkain dahil sa kakaisip kay Alistair.‘Kumusta kaya siya ngayon? Ano kayang ginagawa niya?’Natigilan ako sa malalim na pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto. Napatitig ako kay Yshmael na pumasok sa silid. Mula sa suot niyang itim na hoodie kanina, ngayon ay pormal na kasuotan na ang suot niya.“Hindi ka pa rin kumakain?” may bigat sa tonong sabi niya habang nakatitig sa tray na hindi man lang nabawasan kahit isang kutsara ng kanin.“Hindi ko gusto ang nakahain. Gusto ko ng Korean spicy soup. Yung may maanghang na sabaw... mainit-init pa at may malinamnam na karne ng baka,” nakatulala kong wika. Napalunok pa ako bago sinalubong ang kaniyang mga mata. “Yshmael, pwede mo ba akong bilhan ng ganoon? Hindi talaga matanggap ng panlasa ko ang inihain mo.”Naparolyo ang mga mata niya sa narinig.“Ayoko. Huwag mo
Third Person POV“Ang inutos ko sa iyo ay huwag siyang patayin pero pinatay mo pa rin siya! So, anong laban natin ngayon kay Ydrael? Wala tayong gagamitin para pasunurin siya sa gusto natin!” galit na sigaw ng babae sa kabilang linya.Napahigpit ang kapit ng lalaking nakamaskara sa hawak niyang cellphone habang pinakikinggan ang walang tigil na pagngangalit nito.“Napakabobo mo talaga! Napakatanga mong hayop ka—”Hindi na niya hinayaang matapos pa ang litanya nito. Sa isang marahas na galaw, pinutol niya ang tawag.Dahan-dahan niyang ibinaba ang cellphone at ibinaling ang tingin sa babaeng nakaratay sa kama.Nakatali ang mga kamay nito sa headboard. Namumutla ang mukha at bakas ang pagod sa bawat galaw.Marahan nitong iminulat ang mga mata. Saglit itong napatitig sa kisame bago napako ang tingin sa lalaking nakatayo sa gilid ng kama.“Finally, you're awake. You should eat. Hindi ka pa kumakain mula kaninang tanghali,” saad nito sa kalmadong tinig.“Just let me go. Pakawalan mo na lang
Umalingawngaw ang putok ng baril sa buong bulwagan, kasabay ng mga sigaw at paghiyaw ng mga tao.Sa mismong sandaling iyon, marahas na bumukas ang dambuhalang pinto ng bulwagan.Agad na nagsipasukan ang mga elite operatives mula sa Federal Intelligence and Security Agency at ang International Financial Crime Coalition, kasama ang kanilang mga armadong Tactical Strike Units na nakasuot ng itim na full tactical gear. Malamig at mekanikal ang bawat kilos nila habang hawak ang mga legal na dokumentong may opisyal na selyo ng pinakamataas na hukuman.“FISA at IFCC! Walang gagalaw!” malakas na anunsyo ng tumatayong Special Agent-in-Charge habang mabilis nilang pinalilibutan sina Aunt Shiela at ang buong mesa, kasama ang mga korap na politiko.Naglabas ang pinuno ng mga operatiba ng makakapal na folder.“Mula sa direktiba ng High Federal Court at ng Ministry of Justice, ipinapatupad namin ang malawakang Federal Seizure Orders, Freeze Orders, at
“Bakit parang hindi kayo masaya na makitang nakakakita na ako? Dahil ba... may mga ginagawa kayo na ayaw ninyong malaman at makita ng dalawa kong mata?”Isang nakabibinging katahimikan ang sumunod sa mga huling salita ko.Karamihan sa kanila ay pilit na nag-iwas ng tingin, lalo na ang mga politikong nakaupo sa unahan, habang ang ina ko ay napahawak sa gilid ng mesa dahil sa emosyong pilit niyang pinipigilan.Si Aunt Shiela naman ay pilit na nagtaas ng mukha para bawiin ang kaniyang awtoridad. Matalim niya akong tinitigan bago marahas na ibinaba ang hawak niyang wine glass.“Masyado ka nang nawawalan ng galang, Ydrael. Akala mo ba ay natatakot kami sa mga patutsada mo?” mariin niyang asik habang pilit na pinananatili ang tindig. “Nakalimutan mo yata kung sino ang kausap mo. Ako ang Matriarch. Ako ang humahawak sa pamilyang ito ngayon. Isang salita ko lang sa media at sa mga board members, pwedeng-pwede kitang patalsikin bilang CEO.”Isang
YDRAEL ALISTAIRIsang marangya at engrandeng selebrasyon ang naabutan ko sa mamahaling hotel na pagmamay-ari ng mga Ferrero. Isa na namang Victory and Thanksgiving Party. Hindi muna ako dumaan sa red carpet para guluhin at putulin ang kasiyahan nila, bagkus ay dumaan ako sa lihim na daanan sa likuran ng hotel at dumiretso sa itaas para tanawin sila sa ibaba, sa napakalawak na grand hall.Narito ang lahat ng mga kapatid ko. Masayang-masaya sila sa tuwing may mabigat akong pinagdadaanan. Nakita ko rin sa ibaba ang nanay ko at ang tiya ko na masayang nag-uusap habang magkasama sa iisang mesa. Samantalang ang ama ko naman ay hindi ko mahagilap sa buong bulwagan.Hindi lamang ito ang party na ginaganap sa marangyang hotel na ito. Sa loob ng dalawang linggo, ito na ang pangalawang thanksgiving party matapos ang isa pang ginanap sa isa ring mamahaling hotel na pagmamay-ari naman ng isang mayamang politiko. Bongga ang mga party nila. Gumagastos sila ng ilang milyones para lamang matuwa ang mg
**Third Person**Pagpasok pa lamang ni Rafael sa loob ng mansiyon ay agad nang sumambulat ang kaniyang kinikimkim na poot. Bawat gamit na madaanan niya ay kaniyang pinagbubuntunan ng galit habang ang kaniyang dibdib ay tila sasabog sa labis na yamot. Inis niyang ipinagbabagsak ang mga mamahaling v
Hindi ako maniniwala sa pagmamakaawa niya. He is a narcissist like Violet. Tingnan mo naman kung paano niya sisihin ang kapatid ko. Si Violet lamang ang kaniyang itinuturo samantalang dapat ay isama niya rin ang kaniyang sarili. What a fvcking narcissist. Nagmamakaawa siya sa akin
Agad na hinanap ng aking paningin ang kasama kong mga bodyguard at nang makitang nasa gilid-gilid lamang sila, tahimik na nagbabantay, ay bahagyang nabawasan ang kaba ko. “Sa hitsura niya parang gusto ka niyang kausapin,” wika ni Brittany habang nakatutok pa rin ang kaniyang pani
Evorie Eve “Grabe naman ang mga singsing mo, babe. Sadyang nakakasilaw,” wika ni Brittany nang mapansin ang dalawang mamahaling alahas na nakasuot sa aking mga daliri. Pagkatapos ay marahan siyang sumimsim ng juice na gawa sa dragon fruit at lychee essence na in-order namin rito sa expensive juice







