Evorie Eve“I… I d-did nothing,” utal na wika ni Rafael, ang kanyang tinig ay nanginginig habang ang takot ay malinaw na mababasa sa kanyang mga mata. Marahan akong napahiwalay sa pagkakayakap kay Alistair, pilit na itinatago ang tensyon na namamayani sa aking dibdib.“Nagsasabi ba siya ng totoo, mahal ko?” may lambing na tanong ni Alistair sa akin, kaya hindi ko mapigilan ang mapatitig sa kanya, lalo na sa tawag niya sa akin.“Rafael harass—”“No! I was just t-talking to her, Uncle, about the divorce. Iyon nga… iyon nga ang pinag-usapan namin,” mabilis na putol ni Rafael sa sasabihin ko. Halata pa rin ang panginginig sa kanyang boses.“Nag-usap lang talaga kami,” tuloy pa niya bago naitutok ang matalim na tingin sa akin, para bang pinagbabantaan niya akong huwag nang magsalita pa.“Kung iyon nga ang pinag-usapan ninyo, napirmahan mo na ba ang divorce papers?” malamig na tanong ni Ali.Hindi maibuka ni Rafael ang kanyang bibig, para bang nawalan siya ng kakayahang bumuo ng pangungusap
Última atualização : 2026-04-18 Ler mais