Jalipa POVGanoon pa rin, hindi siya natulog sa kuwarto namin nung gabi. Doon pa rin siya natulog sa pinakamalaking guest room. Tapos, pinagluto na naman ako ng tatlong ulam, pero hindi naman kumain, um-order na naman sa labas ng kakainin niya. Pero natuto na ako, hindi ko na iniwan sa lamesa ang mga pagkain, baka kasi itapon niya, ikalat at ipalinis na naman sa akin kinabukasan. Halata naman na siya ang may gawa nun at pinaparusahạn lang ako. Oo, hindi niya ako sinasaktạn, pero pinapagod niya ako sa mga gawaing bahay. Siguro ay para hindi talaga ako maglalabas at maging busy ako sa mga gawaing bahay.Bago ako matulog, nilagay ko sa frigde ang mga niluto kong ulam para hindi masayang.Nagpaantok ako gamit ang panunuod ng TV. Nanuod akong mag-isa ng movie. Bahala siya doon sa guest room na napaka-boring, dito mas malaki ang kama, mas malambot, tapos mas malaki pa ang TV. Doon, walang TV, pero saktuhan lang ang lambot ng kama, hindi gaya dito sa kuwarto namin, sobrang lambot talaga ng k
Read more