Jalipa POVPagkatapos ng klase ko nang araw na iyon, hindi ko agad naisipang umuwi. Gusto ko sanang dumaan muna sa coffee shop at pizza-han para bumili ng pasalubong kay Kenjs. Wala lang, nasa mood ako ngayon, kaya gusto kong pasalubungan ang asawa ko.Si Kenjs kasi, kahit isang kape lang na iuuwi ko para sa kaniya, parang malaking bagay na. Lalo na kapag pizza pa, naku, kahit malamig na, kakainin pa rin niya.Kaya habang nasa sasakyan ako, iniisip ko na kung anong flavor ng pizza ang bibilhin ko.“Ma’am, diretso na po ba tayo sa villa?” tanong ng driver ko.“Kuya, daan muna tayo sa bilihan ng kape at pizza.”“Okay po, ma’am.”Huminto kami sa isang coffee shop na medyo malayo sa mataong bahagi ng city. Alam kasi ng driver ko na hindi ako bumibili sa mataong lugar. Gusto ko sa walang masyadong tao, para kapag um-order ako, mabilis lang akong napagbebentahan. Dito sa napuntahan namin ay tahimik. Kaunti ang mga sasakyan at halos walang mga taong naglalakad o bumibili ng kape.Pagkababa k
Read more