Jalina POVPinagtimpla ko ng kape si Sir Lucas, tsaa naman kay Sir Enzo, habang kay Sir Nico ay malamig na juice naman. Ginawa na akong kasambahay talaga sa hacienda, pero okay lang, may plano naman ako sa tatlong chinese na ito.“Let’s go, let’s eat breakfast,” aya ko sa lahat. Putang-ina, pati pagre-ready ng lamesa, ako pa rin. Katulong na talaga ang labas ko dito, kaya naiinis na naman ako kay Tita Hera.“Thank you for preparing our breakfast, Jalina,” sabi ni Sir Enzo.“I’m sure all the food on the table is delicious today,” pang-uuto naman ni Sir Lucas.“Hera is lucky to have a niece like Jalina, who is hardworking, kind, and beautiful.” sabi naman ni Sir Nico.Napatingin tuloy ako kay Rainn na palihim na napapatawa. Si Tita Hera naman ay pangiti-ngiti lang din sa kalokohan ng mga business partner niya.Nung mag-start nang magkainan, tumayo ako at um-acting na masama bigla ang pakiramdam.“Oh, where are you going? Kakain na tayo ng almusal ah?” tanong ni Tita Hera sa akin.“I sud
Read more