Jalina POVFriend ko na sina Ash, Astra, at Pearl sa Starbook. Kahapon, gumawa na ako ng sikat na app na iyon para may connection na ako sa mga bago kong kaibigan dito sa High garden town. Yes, sa wakas ay makaka-relate na ako sa mga social media. Kahit nga si Rainn ay friend ko na rin sa Starbook. Maging sina Sir Lucas, Sir Enzo, at Sir Nico ay friend ko na rin. Si Tita Hera lang ang hindi dahil wala pala itong social media.Sa totoo lang, nangapa pa ako nung una sa paggagamit nitong magara, mamahalin at napakagandang cellphone. Bakit hindi e, ngayon nga lang ako nagkaroon ng ganitong kaganda at kagarang cellphone. Pero hindi nagtagal ay nasanay na rin ako. Basta ba, magaling kang magbasa at magkabisado sa bagay-bagay, matututo ka rin naman.Maya maya ay lumabas ang group chat namin nila Ash, Astra, at Pearl. Yes, relate na rin ako sa group chat na ito. Na nung una rin ay hindi ko ma-gets kasi bago nga lang. Pero nakakatuwa. Tinuruan ako nila Ash, Pearl at Astra. Kahapon kasi ay nag-
Read more