Jalina POV“Alam kong hindi tayo laging nagkakasundo,” sabi pa ni Aira habang patuloy kaming nakasakay sa tricycle. “At alam kong marami akong nagawang hindi maganda sa iyo. Pero hindi ibig sabihin noon ay hahayaan kitang mapahamak."Naramdaman kong nangilid ang luha ko.“Aira.”“Huwag ka munang umiyak. May kailangan akong ipaliwanag sa iyo.”Pinunasan ko ang gilid ng mata ko. “Ano iyon?”“Gusto kong palabasin nating nawawala ka.”Napakunot ang noo ko. “Ha?”“Makinig ka. Kailangan nating mapaniwala si Mama Hera na hindi namin alam kung nasaan ka. Kapag nalaman niyang may tumutulong sa iyo, baka madamay pa sila. Isa pa, ang ipapalabas ko ay patay ka na, kaya hindi ka muna dapat makita ng kahit sino, okay?”“Pero paano si Rainn?” tanong ko pa.Umiling agad siya. “Kahit si Rainn, huwag mong sabihan. Kailangan niyang maging problemado para mas mapaniwala natin si Mama Hera na patay ka na, basta, akong bahala, okay?”“Pero, bakit?”“Dahil kailangan nating palabasing totoong nawawala ka, na
Read more