Jalina POVPagsapit ng hapon, nagpasya na akong magpaalam kina Ash, Pearl, at Astra. Medyo matagal-tagal din kaming nagkuwentuhan sa bahay ni Ash, at pakiramdam ko ay sapat na ang oras na inilaan ko para sa kanila ngayong araw.“Uuwi na ako,” sabi ko habang kinukuha ang bag ko.“Sure ka? Puwede ka namang maghapunan dito,” alok ni Ash.“Next time na lang. Baka hanapin na ako sa hacienda.”“Okay. Ingat ka,” paalala ni Astra.“Text mo kami kapag nakauwi ka na,” dagdag ni Pearl.“Yes, salamat, guys!” nakangiti kong sagot.Nagpaalam ako sa kanilang tatlo at lumabas ng bahay. Pero ang totoo, wala talaga akong balak na dumiretso sa Hacienda La Hera. May iba akong pupuntahan. Mula pa kanina, hindi na mawala sa isip ko ang mga nalaman namin tungkol kay Madam Vana De Guia at sa kaniyang hacienda. Lalo na ang mga lumang artikulong nakita namin tungkol sa dalawang dambuhalang buwayang namatay noong 1993 at 1994.Kung totoo ang mga kuwento, posibleng buhay pa si Krov hanggang ngayon. At dahil hindi
Read more