Jalina POVMaaga pa lang ay gising na ako. Nasa malawak na dining area kami ng beach resort. Katapat ko ang Nanay Hira ko habang nasa magkabilang panig naman namin sina Sir Nico, Sir Enzo, at Sir Lucas.Napakaraming pagkaing nakahain sa lamesa. May crispy bacon, sausage, fried rice, scrambled eggs, pancakes na may maple syrup, sariwang prutas, tinapay, at iba’t ibang klase ng juice. Mayroon ding mainit na sopas at mga pagkaing hindi ko pa natitikman.Halatang pinaghandaan nila ang almusal namin.“Anak, kumuha ka pa nito,” nakangiting sabi ni Nanay Hira habang inilalagay sa plato ko ang isang piraso ng pancake.“Nay, ang dami ko na pong kinakain.”“Hayaan mo na. Ilang taon din akong hindi nakapaghanda ng almusal para sa iyo.”Napangiti ako at hinayaan siyang dagdagan pa ang laman ng plato ko. Masayang-masaya akong makita siyang ganoon. Hindi na siya mukhang pagod o balisa. Maayos na maayos na rin ang kaniyang pananamit, maaliwalas ang mukha, at higit sa lahat, may ngiti na ulit sa kani
Read more