Jalina POVHindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko ngayong araw.Sa wakas, pinayagan na rin ako ni Ate Aira na makita ang mga kaibigan ko. Ilang beses ko na kasing tinanong kung kailan ako puwedeng makipagkita kina Pearl, Ash, at Astra. Gusto ko na silang makita, mayakap, at makausap nang personal.At ngayong araw, pumayag na rin siya.“Jalina, huwag mong kalimutang mag-ingat. Huwag kang basta-basta lalayo sa mga bodyguard mo,” paalala ni Ate Aira habang inaayos ang buhok ko.Nasa harap ako ng salamin habang nakaupo sa maliit na upuan sa loob ng kuwarto ko. Siya mismo ang nag-ayos sa akin bago ako umalis.“Alam ko naman, Ate.”“At huwag kang aalis nang walang paalam sa driver. Kapag may kakaiba kang napansin, tawagan mo agad ako.”“Opo, Ate Aira.”Napangiti ako nang makita ang itsura ko sa salamin. Ibang-iba ako ngayon, ah. Pinagsuot kasi ako ng magandang dress na pinili ni Ate Aira.Maayos ang pagkakapusod ng buhok ko, at nilagyan niya rin ako ng kaunting makeup. Hindi nama
Read more