Janessa POV“Talaga, may kakambal ka?” nagulat ang mga kaibigan ko nung aminin ko na rin iyon sa kanila.Napatitig naman bigla si Severina sa akin. “Hala, naalala mo ba ‘yung sinabi ko sa iyo na minsan kitang nakita sa magazine? Hindi kaya mayaman ang kakambal mo?” tanong ni Severina kaya nanlaki ang mga mata ko sa kaniya.“Beks, oo nga pala, akala ko ba ay hahanapin mo ang magazine na iyon,” sabi ko sa kaniya. “Malay natin, baka nga ‘yan na ang kakambal na hinahanap ko,” dagdag ko pa sa kaniya.“Sige, sige, girl, pipilitin kong hanapin ‘yan, kasi sure akong kamukhang-kamukha mo siya, Janessa,” natutuwang wika ni Severina.“Kung maganda si Janessa, for sure maganda rin ang kakambal niya,” sabi ni Kuya Donato kaya napatango silang lahat.“Pero paano kung bilyonarya ang kakambal mo, Janessa?” biglang sabi ni Rico.“Eh, ‘di maganda,” sabat ni Amayah.“Kapag mayaman iyon, magiging mayaman na rin si Janessa,” sabi naman ni Mikyla.“At maaari niya tayong tulungan sa problema ng bayan natin
Last Updated : 2026-04-30 Read more