River POVHindi pala pareho ang amoy ng panaderya at pizza-han. Akala ko noong una, pareho lang, parehong may harina, may masa, may mainit ng oven.Pero pagpasok ko sa kusina ng Larie’s Pizza and Coffee Shop, agad kong napansin ang pagkakaiba. Sa bakery, amoy parang umaga, e. I mean, amoy pandesal lang, amoy bagong lutong tinapay. Dito kasi, ibang-iba dahil amoy keso, herbs, at tomato sauce.Dati, taga-masa lang ako ng tinapay sa isang maliit na bakery. Doon, paulit-ulit lang ang ginagawa namin. Puro pagmamasa, pahinga kaunti, tapos bake naman. Ganoon lang ka-simple. Kilala ko na ang ritmo ng kamay ko, parang muscle memory na lang. Pero ngayon, ibang laban na ang magaganap.“Hoy, River!” tawag ni Donato mula sa likod ko. “Mukhang kinakabahan ka ah.”Lumingon ako at nakita ko sina Donato, Marcelo, at Anastacio. Mga kasama ko sa dating bakery. Mga kababata, kumbaga ay kasa-kasama ko na sila sa hirap ng buhay.“Hindi ah,” sagot ko, kahit halata naman siguro sa mukha ko.“Sinungaling,” si
Last Updated : 2026-04-26 Read more