Janessa POVMaaga pa lang, nagising na ako. Grand opening na kasi ng shop ni Kuya Larie. Maaga palang ay nasa kusina na si River at Tita Merbella. Sakto, naabutan ko silang pa-almusal palang. Sumabay na ako sa kanila.“Akala ko e, tulog ka pa, gigisingin na dapat kita, e,” sabi ni River.“Nag-wine raw kasi kayo kagabi?” tanong ni Tita Merbella.“Kaunti lang po pero hindi naman nakakalasing,” sagot ko sa kaniya habang sumasandok na ng fried rice at tocino. May tortang talong din at longganisa.“Bilisan mo ang kain at gayak, grand opening ngayon, magiging busy tayong lahat ngayon,” sabi pa ni River. Kaya pala grabe siya makasubo ng pagkain niya.Nawala rin sa loob ko na maaga nga pala kaming pinapapasok ni Kuya Larie.Sinunod ko na lang siya. Mabilis kaming kumain at gumayak, pagkatapos ay sabay na kaming pumasok sa trabaho.Pagdating sa shop, maaga pa lang pero parang may mini fiesta na. May balloons sa labas, may ribbon sa entrance, at may malaking tarp na may nakasulat na Grand Openi
Last Updated : 2026-04-27 Read more