Nang mawala na ang babaeng nakalaban niya, yumuko siya at sinuri ang paligid. Doon niya nakita si Samuel—nakasalampak sa lupa.Nanlaki ang mga mata niya sa gulat at agad siyang nataranta. Mabilis siyang bumaba mula sa kinatatayuan niya.Pagkalapit niya, agad niyang sinuri ang kalagayan ng amo. Hinila niya ito sa braso at ipinatong sa kanyang balikat, habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa baywang ni Samuel.Nang maitayo niya ito, saka siya nagsalita. “Sir, ano’ng nangyari sa ’yo? Bakit ka naka—”“Shut up and don’t even ask,” Samuel interrupted, halatang iritado pa rin. Wala siyang kamalay-malay na ganoon ang mangyayari sa kanya—at mas kinaiinisan niya na wala siyang nagawa.Curious man, hindi na nagtanong pa si Dexter. Kita kasi sa mukha ni Samuel na ayaw nitong pag-usapan iyon.Bago sila tuluyang lumabas ng warehouse, sinulyapan ni Dexter ang mga nakabukas na crates. Wala na ngang laman—simot.Paglabas nila, mabilis na umikot ang paningin nilang dalawa. Tinitingnan kung may tao
Dernière mise à jour : 2026-05-02 Read More