Nang maglabas ng patalim ang lalaki, awtomatikong napahawak si Lexy sa sarili niyang armas sa ilalim ng kanyang damit. Handa na siyang umamba ng saksak, ngunit napatigil siya nang biglang bumangon si Raika—pasuray-suray at may sapak pa rin ng "kalasingan."Umarte si Raika na parang mawawalan ng balanse at sumandal sa balikat ni Lexy. Ipinulupot niya ang kanyang mga braso sa baywang nito, nagkukunwaring nagpapasaklolo para lang makatayo nang maayos.“Ang ingay niyo…” reklamo ni Raika, pikit-mata at tila naiirita. “Hindi pa ba tayo uuwi, Lex? Inaantok na ako,” bulong nito.Malalim na bumuntong-hininga si Lexy. Dahan-dahan niyang binitawan ang nakatagong patalim at agad na inakay ang "lasing" niyang assistant.“Pasensiya na. Nag-uusap lang kami sandali,” banayad na sagot ni Lexy, bago bumaling sa lalaki. “Sige na, uuwi na kami ng kaibigan ko.”Tatalikod na sana sila nang biglang hablutin ng lalaki ang braso ni Lexy. Sa sobrang higpit ng pagkakahawak nito, naramdaman ni Lexy ang matinding
Dernière mise à jour : 2026-05-29 Read More