Maligalig na lumapit si Ivy kay Fuego, todo kembot ang balakang. “Old Mr. Martini! Alam ko kung kanino galing ‘yang bagay na ‘yan na tinatawag mong basura!” sigaw niya.Sinadya talaga ni Ivy na lakasan ang boses para marinig ng lahat. Kaya pagkarinig pa lang ng mga bisita, sabay-sabay silang napalingon sa kanya. Bakas sa mukha ng mga tao ang pagka-chismosa—kanino nga ba galing ang regalong ikinagalit ni Fuego?Pagkalapit ni Ivy, isa-isa niyang binati ang mga miyembro ng Martini family. Feeling close. Si Fuego ang huli niyang binati. “Happy birthday,” sabi niya, may pilit na ngiti.Nakakunot pa rin ang noo ng matanda. “Kilala mo ba talaga kung kanino galing ang basura na ‘yon?” tanong ni Fuego, malamig ang tono.Mabilis na tumango si Ivy. “Oo naman, Old Mr. Martini. Bakit naman ako magsisinungaling?” sagot niya, taas-noo.“Kung gano’n, Ms. Goldwick, sino? Kanino galing ang bagay na ‘yan?” usisa ni Sarah, nakasimangot.“I’m pretty sure you’ll be shocked to find out who’s it from, Ms
Dernière mise à jour : 2026-05-17 Read More