Share

Chapter Twenty Two

Author: FourStars
last update publish date: 2026-05-12 23:04:43

“Good evening din sa ‘yo, Ms. Black,” bati ni Sarah kay Lexy.

Kahit labag sa loob, pinili na lamang ni Sarah na lunukin ang galit sa kanyang puso. Mahigit tatlong taon na ang lumipas pero mas lalong gumanda at naging elegante si Lexy. Envy gnawed at Sarah; despite her superior social standing and riches, she felt completely outclassed by Lexy’s undeniable beauty, resilience, and wit.

Ngumiti lang muli si Lexy at hindi na kumibo. Namayani muli ang katahimikan sa pagitan nila.

Maya-maya ay may t
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Dangerous Love Game with Mr. Prosecutor   Chapter Twenty Seven

    Biglang nanigas ang buong katawan ni Ivy.Bakit? Who wouldn’t feel pure terror facing Lexy’s death stare? Sa isang iglap, bumigat ang pakiramdam niya. Namuo ang pawis sa noo niya, malamig at malagkit.Mas lalo siyang napaigtad nang dumikit ang matangkad niyang pinsan—ilang pulgada na lang ang pagitan nila.Yumuko si Lexy para salubungin ang tingin niya, diretsong-diretso, at doon tuluyang nilamon ng takot si Ivy.Napayuko siya. Umiwas ng tingin. Naglipat ang tingin niya sa kung saan basta lang hindi mukha ni Lexy ang makita niya.Pakiramdam niya kasi ay tagos hanggang buto ang titig ni Lexy. Para bang mababasa ni Lexy ang kaibuturan ng kaluluwa at isip niya. Hindi niya kayang makipagtitigan—parang mababasag siya sa isang kurap.Nanginginig na siya mula balikat hanggang tuhod. Ibinuka niya ang bibig para magsalita, pero nauutal lang siya.Walang lumalabas na matinong salita.“What…? Cat got your tongue?” bulong ni Lexy, mababa at malamig ang boses. Mas lalo lang nataranta si Ivy.Hab

  • Dangerous Love Game with Mr. Prosecutor   Chapter Twenty Six

    Maligalig na lumapit si Ivy kay Fuego, todo kembot ang balakang. “Old Mr. Martini! Alam ko kung kanino galing ‘yang bagay na ‘yan na tinatawag mong basura!” sigaw niya.Sinadya talaga ni Ivy na lakasan ang boses para marinig ng lahat. Kaya pagkarinig pa lang ng mga bisita, sabay-sabay silang napalingon sa kanya. Bakas sa mukha ng mga tao ang pagka-chismosa—kanino nga ba galing ang regalong ikinagalit ni Fuego?Pagkalapit ni Ivy, isa-isa niyang binati ang mga miyembro ng Martini family. Feeling close. Si Fuego ang huli niyang binati. “Happy birthday,” sabi niya, may pilit na ngiti.Nakakunot pa rin ang noo ng matanda. “Kilala mo ba talaga kung kanino galing ang basura na ‘yon?” tanong ni Fuego, malamig ang tono.Mabilis na tumango si Ivy. “Oo naman, Old Mr. Martini. Bakit naman ako magsisinungaling?” sagot niya, taas-noo.“Kung gano’n, Ms. Goldwick, sino? Kanino galing ang bagay na ‘yan?” usisa ni Sarah, nakasimangot.“I’m pretty sure you’ll be shocked to find out who’s it from, Ms

  • Dangerous Love Game with Mr. Prosecutor   Chapter Twenty Five

    Ilang minutong nanatiling tahimik si Lexy, pilit pinipigilan ang paghinga at paggalaw sa takot na mahuli. Naghintay muna siyang lumayo ang mga yapak bago lumabas sa kanyang pinagtataguan.Nang masigurong wala na nga si Fuego at ang lalaking naka-maskara, doon pa lamang nakahinga nang maluwag si Lexy. Dahan-dahan siyang lumabas at nilingon ang paligid upang tiyaking walang makakakita sa kanya. Nang makumpirmang siya na lamang ang naroon, nagpasya na siyang bumalik sa bulwagan. Subalit bago pa man siya makahakbang, napansin niya ang isang pamilyar na gamot sa lupa.Lumuhod siya at pinulot ito. Ilang segundo niya itong sinuri. Kumpirmado—iyon nga ang tabletang galing sa sachet na hawak ng lalaking naka-maskara kanina."Mukhang aksidente itong nalaglag nang walang kamalay-malay ang dalawa," bulong niya sa sarili.Muling lumingon si Lexy sa paligid bago nagmamadaling naglakad papasok ng mansyon.Sa loob, naabutan niyang nagkakantahan na ang mga bisita para sa kaarawan ni Fuego. Isang liman

  • Dangerous Love Game with Mr. Prosecutor   Chapter Twenty Four

    Matapos magsalita, ibinalik na ni Sarah ang mikropono sa house staff. Maingat siyang inalalayan ni Vincent pababa ng hagdan, na lalong nagpaingay sa bulungan ng mga bisita. Napailing na lang si Fuego sa nasaksihan bago sumunod sa pagbaba, kasunod ang iba pang miyembro ng pamilya Martini.Mabilis ding nabaon sa limot ang mga tsismis nang magsimula ang espesyal na pagtatanghal ng isang tanyag na opera singer, na sinundan naman ng violin concerto ng isang sikat na dayuhang biyolinista. Hindi pa man natatapos ang ikalawang pagtatanghal, biglang nakaramdam ng matinding pagkaburyo si Lexy. Hindi niya napigilang mapahikab.Tumayo siya at naglakad upang hanapin ang banyo. Dahil hindi kabisado ang lugar, nagtanong siya sa malapit na house staff. Matapos pasalamatan ang staff, agad siyang naglakad patungo sa direksyong itinuro nito. Habang naglalakad, nahagip ng gilid ng kanyang mata ang pamilyar na pigura ni Fuego—tumayo ito at tila nagpaalam sandali sa mga kasama para umalis. Tahimik na pinag

  • Dangerous Love Game with Mr. Prosecutor   Chapter Twenty Three

    Ang inaasahang pagbagsak sa malamig na sahig ay hindi nangyari. Bagkus, naramdaman ni Lexy ang isang matipunong brasong pumulupot sa kanyang baywang.Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Ibinuka niya ang kanyang bibig upang pasalamatan ang sumalo sa kanya, ngunit sa sandaling masilayan kung sino ito, nanlaki ang kanyang mga mata sa matinding gulat.“Mr. Prosecutor?” hindi makapaniwalang saad niya.Hindi agad sumagot si Samuel. Sa halip, marahan ngunit pormal niyang tinulungan si Lexy na makatayo nang maayos bago bumitaw.“Mag-iingat ka na sa susunod,” malamig na sabi ni Samuel.Iyon lamang at tumalikod na ito upang umalis. Subalit ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ng lalaki nang may humila sa braso nito. Lumingon si Samuel at nakitang mahigpit siyang hawak ni Lexy.“May kailangan ka ba, President Black?” tanong ni Samuel, walang emosyon ang boses.Lumapit pa lalo si Lexy hanggang sa ilang dangkal na lamang ang distansya nilang dalawa. “Hold on just a minute there, Mr.

  • Dangerous Love Game with Mr. Prosecutor   Chapter Twenty Two

    “Good evening din sa ‘yo, Ms. Black,” bati ni Sarah kay Lexy.Kahit labag sa loob, pinili na lamang ni Sarah na lunukin ang galit sa kanyang puso. Mahigit tatlong taon na ang lumipas pero mas lalong gumanda at naging elegante si Lexy. Envy gnawed at Sarah; despite her superior social standing and riches, she felt completely outclassed by Lexy’s undeniable beauty, resilience, and wit. Ngumiti lang muli si Lexy at hindi na kumibo. Namayani muli ang katahimikan sa pagitan nila.Maya-maya ay may tumawag kay Vincent—isa sa mga kasosyo sa negosyo ng mga Vandolf. Lumingon si Vincent kay Sarah. “Maiiwan ko muna kayo rito ni Lexy sandali. May kakausapin lang ako,” paalam nito.Nabahala si Sarah. Ayaw niyang maiwan kasama si Lexy!Humigpit ang hawak niya sa braso ni Vincent. “Pu-pwedeng sumama na lang ako sa ‘yo, Vincent?” mabilis niyang hiling.Nagpalipat-lipat ang tingin ni Vincent sa dalawang babae. “Huwag kang mag-alala, saglit lang naman ako. At saka, safe ka naman kay Lexy dahil sobrang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status