Tiningnan ni Ena ang laman ng kanyang mumurahing pitaka, tatlong daan pa rin ang pera niya, walang bawas. Ibig sabihin ay hindi kumuha si Mina ng baon. Pagsasabihan niya nalang ang kapatid pag-uwi niyon. Naghilamos lang siya at nagpalit ng simpleng masusuot bago nagtungo sa kabilang baryo para bumili ng gamot. At nang mabili na nga ito lahat ay tanging limang piso na lamang ang natira sa kanya. De bale, pupunta naman siya ngayon sa pantalan kaya tiyak kikita pa siya. “Miss, nakita mo ba ang lalaking ito?” Napahinto si Ena sa paglalakad nang mapansin ang dalawang balbasaradong lalaki, may hawak itong parang papel na ipinapakita sa babaeng pinagtanungan. “Pasensiya na po pero wala.” Narinig niyang sagot ng babae. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa siya naman ang napagtanungan ng mga ito. “Miss, nakita mo ba ang lalaking ito?” Tanong nito sa kanya kaya dumako ang mga mata niya sa larawang papel na bitbit nito. Napaawang siya kasabay ng pamimilog ng kanyang mga m
Last Updated : 2026-09-13 Read more