Compartir

Kabanata 4

last update Fecha de publicación: 2026-09-13 01:17:38

“Po Manong? May problema po ba?” Nag-aalalang tanong niya sa matanda, hawak pa ni Mang Jose ang dibdib habang paulit ulit na napabuga ng hangin na animo’y hinihingal.

Agad na nagsalin si Ena ng tubig sa baso saka iniabot sa matanda. “Uminom po muna kayo Manong.” Aniya na mabilis naman nitong kinuha at nilagok.

“Sabi ko ka’ko eh yong mga lalaki na tinutukoy mong naghahanap kay Tisoy. Aba! Nagpunta sa kubo mo at sa kubo ko. Buti nalang talaga nailipat natin siya agad dito.” Hinihingal na imporma nito. Napalunok ng mariin si Ena, bigla siyang binalot ng kaba.

“Nakaalis na po ba sila Manong? Nakalayo na po ba?” Nababahalang tanong niya.

“Hindi naman sila nagtagal. Mabuti nga at umalis kaagad. Ang lalaki ng katawan ng mga taong iyon, marami pang mga tatu at sa mga hitsura pa lang mukhang hindi na gagawa ng mabuti.” Napapailing na komento ni Mang Jose kaya kahit papaano ay napabuga ng malalim na buntong hininga si Ena.

Tama ang matanda, ayaw man niyang manghusga pero talagang ganoon ang pakiramdam niya sa mga lalaking iyon, lalo na nung narinig niya ang usapan ng mga iyon na may tinutukoy na boss daw at kinailangan nilang mahanap ang katawan ng estrangherong tisoy na na iniligtas niya.

Maya maya pa ay nagdesisyon siya na magpaalam na muna sa matanda. Pupunta siya ngayon sa pantalan, bukod sa didiskarte para kumita ay gusto niya ring mangalap ng impormasyon tungkol sa mga masasamang lalaki na sigurado siyang nagtungo na roon.

“Manong, pwede po bang pakibantayan muna siya? Pupunta na muna ako ng pantalan.” Masuyong pakiusap niya kay Mang Jose na walang pagdadalawang isip naman nitong tinanguan.

“Aba oo naman. Ako na ang bahala Ena. Mag-iingat ka.” Ani ng matanda kaya hindi na nagsayang ng segundo si Ena at mabilis na naglakad paalis matapos magpasalamat.

********

Nang makarating si Ena sa pantalan ay bumungad agad sa kanya ang usap usapan nina Aling Rosario at nang asawa nitong si Mang Kanor kasama pa ang ibang mga kargador.

“Taga saan kaya ang mga mamang’ iyon?”

“Mukhang hindi rin sila taga karatig isla. Bakit naman kaya dito hinahanap iyong lalaking tisoy sa larawan?”

“Kaya nga eh! Sa hitsura ng lalaking iyon sa larawan, siguradong hindi iyon aapak dito. Ano namang gagawin niyon rito?”

Napalunok ng mariin si Ena sa mga narinig. Tama nga ang kutob niya, talagang hinalughug ng mga lalaking iyon ang islang ito. Pasalamat nalang talaga siya at mabilis niyang nailipat ang tisoy na iyon. Bahagya siyang umubo para kunin ang atensyon nina Aling Rosario.

“Ehemmmm..”

“Oh Ena! Nandiyan ka pala.” Agad na sambit ni Aling Rosario nang mapansin siya nito.

“O—opo nay. Didiskarte na naman po.” Simpleng sagot niya sa ginang.

“Naku Ena hali ka muna rito. Alam mo bang may mga lalaking nagpunta rito sa isla natin? May hinahanap silang lalaki.” Ani Mang Kanor.

Nakagat ni Ena ang ibabang labi. Mapagkakatiwalaan niya naman ang mga taong ito pero sa ngayon ay minabuti niyang ilihim na muna ang lahat. Patawarin sana siya sa paglilihim pero sa tingin niya ay iyon ang nararapat alang alang sa kaligtasan ng lalaki.

“Ba–bakit daw po nila hinahanap Manong? Ano raw po ba ang nangyari?” Kuryosong tanong niya, baka sakaling makakuha ng malinaw na sagot.

“Wala ring malinaw na paliwanag eh. Ang sabi lang nawawala raw.” Napakamot sa ulo na sagot ng matanda.

“Ikaw talaga Kanor, kalalaki mong tao tsismoso ka! Bumalik ka na nga sa trabaho mo. Hoy kayo, bumalik na kayo at sayang ang oras. Baka biglang bumalik si Nelson at wala pa kayong nagagawa.” Saway ni Aling Rosario sa kumpulan ng mga lalaki na mabilis din namang nagsialisan.

“Ena,” Tawag ni Rosario sa dalaga kaya napatuon ang atensyon nito sa kanya.

“Nay..”

“Hindi natin mapagkakatiwalaan ang mga lalaking iyon kung ano ba talaga ang totoong pakay nila, malay natin baka gawa gawa lang nila yong may hinahanap sila pero mga miyembro pala iyon ng sindikatong nangunguha ng mga bata at dalaga. Kaya magdoble ingat ka Ena, maganda ka pa naman.” Mahabang pangaral ni Rosario kay Ena kaya napatango na lamang siya. Kung alam lang sana ng ginang na ito ang tinatago niya.

Maya maya pa ay nagsipang daong na ang mga bangka ng mga mangingisda kaya trabaho na ang inatupag niya. Nakakapagod man ay nagpursige si Ena para mairaos ang mga gamot ng estranghero at ang gastusin nila ni Mina sa araw araw.

Takip silim na nang makauwi siya. Kahit papaano ay malaki laki ang kita niya ngayon kumpara kahapon, yon nga lang ramdam na ramdam na niya ang kapaguran ng katawan niya. May bitbit na rin siyang ulam nila na lechon manok dahil namigay si Nelson, galing ang lalaki sa karatig bayan kaya may palibre iyon dahil na rin sa rami ng huling isda ngayon. Dalawang buong lechon na manok pa nga sana ang ibibigay ni Nelson sa kanya pero tinanggihan niya dahil gusto niya na patas lang silang lahat na mga manggagawa. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may pagtingin si Nelson sa kanya, kaya ayaw niyang mahaluan ng kung anumang malisya ang ugnayan niya sa lalaki.

Pagkauwi ni Ena sa kanilang kubo ay naabutan niya si Mina na nagsasaing na ng kanin.

“Mano po ate.” Magalang na nagmano sa kanya ang kapatid.

“May dala akong ulam. Malapit na ba yan maluto?” Tanong ni Ena sa kapatid. Talagang nagutom siya sa amoy palang ng lechon manok na napakabihira nilang makain.

Namungay naman ang mga mata ni Mina saka nito pinunterya ang hawak niyang supot. “Aba! Ang bango ate! Lechon manok ba to? Hala!” Tuwang tuwa na wika ni Mina kaya napangiti si Ena.

“Oo, bigay ni Nelson.”

Kunot ang noong napatingin sa kanya si Mina. “Nelson? Iyong may gusto sayo na komisyonaryo ng isda? Aba talagang galante! Sagutin mo na kasi yon ate.” Ani nito sa nanunuksong tinig kaya dinuro ni Ena ang noo nito.

“Tigil tigilan mo nga ako Mina. Saka hindi naman yon nanliligaw.”

“Eh paano naman kasi, di pa nga nanliligaw pinagtatabuyan mo na agad.” Nakakamot sa ulong sagot ni Mina kaya sinamaan ito ng tingin ni Ena.

“Ang dami mong alam. Asikasuhin mo na nga lang yong sinaing at nagugutom na ako. Dadalhan ko pa ng pagkain si Manong Jose.” Mariing utos niya sa kapatid.

Napakunot ang noo ni Mina. “Oo nga pala ate, bakit wala si Manong at si Tisoy sa kubo? Sumilip ako dun kanina eh. Nasaan pala sila?” Puno ng pagtatakang tanong nito kaya agad na ipinaliwanag ni Ena ang sitwasyon, maging ang tungkol sa mga masasamang lalaki na naghahanap sa estrangherong Tisoy.

Tutop pa nito ang bibig habang nakikinig. “Ano ng balak mo ngayon ate?” Tanong ni Mina sa nababahalang tinig.

“Napasubo na tayo sa pagtulong kaya tutulungan ko siya hanggang sa gumaling siya. At walang anumang kapalit itong pagtulong ko kahit na hindi ko alam kung anong klase siyang tao. Pero ramdam ko naman na hindi siya masama. At sana walang ibang makakaalam tungkol sa kanya, huwag na huwag mong babanggitin kahit kanino, kahit pa sa mga kaibigan mo. Kailangan natin magdoble ingat.” Mariing bilin niya na ikinatango ni Mina ng maraming beses.

Hindi nagtagal ay kumain na rin sila, masayang pinagsaluhan ang napakasarap nilang ulam na parang taon na ang lumipas mula nang huli nila itong matikman.

At pagkatapos ay nagbalot na rin si Ena ng pagkain para kay Mang Jose.

“Doon ka ba matutulog ate?” Tanong ni Mina.

Marahang tumango si Ena. “Oo, ako na ang magbabantay sa lalaking yon. Kailangang makapagpahinga si Manong Jose.”

“Samahan na kaya kita.” Alok ni Mina pero mabilis na umiling si Ena.

“Huwag na, masyadong malamok doon at hindi na tayo kasya, hindi ka magiging komportable.” Paliwanag niya dahil nga maliit lang din ang kubo. Kung sila lang ni Mina ay maluwag iyon sa kanila, kaso malaking bulas ang estranghero kaya tiyak mahihirapan silang pagkasyahin ang natitirang espasyo.

Pero biglang napangisi si Mina kaya kumunot ang noo ni Ena. “Anong nangyayari sayo?”

“Napakamaalaga mo kasi, naisip ko lang na para na talaga kayong mag-asawa ni Tisoy. Tatabihan mo rin ba siya sa pagtulog?” Nanunuksong bulalas ni Mina kaya namilog ang mga mata niya.

At bago pa man niya makurot sa tagiliran ang makulit na kapatid sa kaharutan ng isipan nito ay kumaripas na ito ng takbo papalabas kaya hindi niya na lamang hinabol.

Napailing na lamang siya habang inaayos ang mga dadalhin niya na kakailanganin sa kubo. Nang matapos ay umalis na rin si Ena bago pa siya tuluyang abutan ng kadiliman sa daan.

Nang makarating ay Iniabot niya kaagad sa matanda ang dalang pagkain na labis namang ikinatuwa nito.

“Naku! Ang sarap nito Ena, salamat. Sa kubo ko nalang ito kakainin. Halika nga pala at tuturuan kita kung paano palitan itong mga halamang gamot mamaya.” Turan nito na mabilis niya namang sinunod.

At habang tinuturuan siya ng matanda kung saang parte sa katawan ng estranghero ang kailangan niyang mapalitan ay napapalunok siya ng mariin. Sino ba naman ang hindi gayung hanggang ngayon ay naninibago pa rin siya na makahawak ng hubad na katawan ng isang lalaki, kahit pa sabihing pang-itaas lang naman na katawan. Naiisip pa lang niya na mahawakan itong muli gaya nung pinunasan niya ito ay para na siyang nakukuryente.

“Oh siya, nakuha mo ba ang lahat ng mga sinabi ko?” Tanong ni Mang Jose na marahan niyang tinanguan kahit pa may humahalong kalikutan sa imahinasyon niya.

“Bueno, hindi na rin ako magtatagal Ena. Babalik na lamang ako rito bukas.” Turan ng matanda saka dahan dahang naglakad papaalis.

Naiwanang napabuntong hininga si Ena, tanging ilaw lamang ng lampara ang nagbibigay liwanag sa kubong ito. Malalim pa rin ang tulog ng lalaki pero pasalamat siya at maayos naman itong humihinga.

Inayos niya na rin ang lumang banig na mahihigaan at ang kumot na dala niya ay luma at butas butas pa. Pero de bale ng ganito ang gamit niya, ang mahalaga ay masigurado niyang maayos ang kay Mina at sa estrangherong ito. Sanay na sanay siya sa kahirapan ng buhay kaya maging ang mga ganitong bagay ay ayos na ayos lang sa kanya.

Nakahiga siyang nakaharap sa estranghero kaya napatitig siya sa napakagwapong mukha nito.

“Matulog ka nang mahimbing. Sana masaya ang panaginip mo.” Usal niya sa lalaking hindi naman siya naririnig.

“Kailan ka kaya magigising para masagot mo na ako?” Aniya at pinagsawa na lamang niya ang mga mata sa gwapong mukha nito hanggang sa unti unti siyang dinalaw ng antok.

Malalim na ang gabi nang magising si Ena. Buti na nga lang at di nawala sa isip niya na palitan ang mga halamang gamot sa sugat ng estranghero. Sinunod niya ang bilin ni Mang Jose at puno ng pag-iingat itong isinagawa sa katawan ng lalaki. Napapalunok pa rin siya ng mariin sa tuwing dumadampi ang kamay niya sa hubad na katawan nito. Ramdam na ramdam pa niya ang pamamawis ng kanyang noo.

“Konti nalang at matatapos na ako.” Usal niya.

Hanggang sa unti-unti siyang nakarinig ng mahinang ungol. Napakurap si Ena. Hindi siya sigurado sa narinig kaya isinawalang bahala lamang niya ito.

Hanggang sa nasundan pa ito kaya napanganga na siya, di makapaniwala sa naririnig. Kaya nang naulit pa ito ay dahan dahan niyang inilapit ang tainga sa bibig ng lalaki.

At ang sumunod na pangyayari ay labis na nagpagulantang sa kanya. Bigla na lamang itong gumalaw saka unti unting idinilat ang mga mata.

“Si— sino ka?”

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Love by the Tide (The Billionaire's Pearl)   Kabanata 7

    Love By the Tide Kabanata 7“Ena, tama na iyan. Magpahinga ka naman. Kanina ka pa nagbubuhat diyan.” Nag-aalalang usal ni Rosario habang nakatingin sa dalagang kanina pa di nagpapapigil sa pagbubuhat ng timba na puno ng isda.Ngumiti si Ena saka nagthumbs up pa sa ginang. “Naku nay! Maliit na bagay lang ito. Kayang kaya ko pa.” Positibong sagot niya kaya napakamot na lamang sa ulo ang ginang.Sa totoo lang ay ramdam na rin niya ang pangangalay ng kanyang braso. Kaso kailangan niyang kumita ng malaki laki ngayon dahil paubos na ang antibiyotik ni Leo at kinailangan niya rin bumili ng bigas. Tatlo na silang kumakain ngayon at paminsan minsan ay sinasama niya rin sa budget si Manong Jose lalo pa at ang matanda ang gumagamot kay Leo. Kaya kahit nakakapagod ay hindi siya pwedeng tumigil.Akmang muling bubuhatin ni Ena ang timba nang biglang lumapit si Nelson.“Ena…” Malumanay na tawag ng lalaki sa kanyang pangalan kaya napatigil siya at napalingon sa gawi nito.“Masyado mong binubogbog ang

  • Love by the Tide (The Billionaire's Pearl)   Kabanata 6

    “Malalim pa ang mga sugat mo iho kaya hindi ka muna pwedeng gumalaw galaw.” Mariing payo ni Mang Jose habang naglalagay ng ointment at pinapalitan ng halamang gamot ang sugat ng estranghero.Maagang nagtungo ang matanda sa kubo dahil na rin sa balita ni Ena na nagising na ang lalaki. Pagkagising kasi nito ay saktong patapos na rin si Ena magluto ng agahan kaya sabay na tumungo ang dalawa. Pagkarating ay agad na pumasok sa loob ang matanda habang naiwan naman si Ena sa labas upang ilatag sa mesang kahoy ang dalang mga pagkain.“Pasensiya ka na at ganito lang ang maibibigay naming gamot sayo, napakalayo ng ospital dito. Isa pa, wala rin kaming sapat na pinansyal para doon.” Dagdag pa ng matanda kaya napalunok ng mariin ang lalaki.Kahit naman hindi sabihin ng matanda ay hindi naman siya bulag para hindi makita ang kinalalagyan niya ngayon, na kahit masama man isipin ay mas maayos pa ang kulungan ng baboy. Pakiramdam niya kasi ay isang malakas lang na hangin ang dadaan at siguradong lili

  • Love by the Tide (The Billionaire's Pearl)   Kabanata 5

    “Si— sino ka?”Napanganga si Ena, hindi makapaniwalang nagising ang lalaking kanina lang ay hiniling niyang magising.“Miss, tinatanong kita! Sino ka at nasaan ako?” Muling tanong nito sa ngayo’y baritonong boses. Pinilit pa nitong bumangon kaya taranta itong pinigilan ni Ena.“Hu—huwag ka munang gumalaw. Hindi pa magaling ang sugat mo.” Bulalas niya saka wala sa isip na hinawakan ang braso ng lalaki. Tumigil ito saka tiningnan ang bendang nakalagay sa braso at katawan. Kita pa ni Ena ang bahagyang pag-awang ng labi nito kasunod ng pagalaw ng panga nito.“Ang gwapo!” Lihim na bulalas niya sa sarili nang wala sa loob na pagmasdan ang estranghero. Na kahit lampara lang ay nagbibigay liwanag sa kanila ay tila ba hindi maitatago ang sobrang kagwapuhan nitong taglay. At nang biglang dumako ang tingin nito sa kanya ay nagpang-abot ang mga mata nila. Pakiramdam ni Ena ay parang tumigil ang oras kasabay ng hindi maipaliwanag na tibok ng kanyang puso. Napaawang ang mga labi ni Ena. Ngayong gi

  • Love by the Tide (The Billionaire's Pearl)   Kabanata 4

    “Po Manong? May problema po ba?” Nag-aalalang tanong niya sa matanda, hawak pa ni Mang Jose ang dibdib habang paulit ulit na napabuga ng hangin na animo’y hinihingal. Agad na nagsalin si Ena ng tubig sa baso saka iniabot sa matanda. “Uminom po muna kayo Manong.” Aniya na mabilis naman nitong kinuha at nilagok. “Sabi ko ka’ko eh yong mga lalaki na tinutukoy mong naghahanap kay Tisoy. Aba! Nagpunta sa kubo mo at sa kubo ko. Buti nalang talaga nailipat natin siya agad dito.” Hinihingal na imporma nito. Napalunok ng mariin si Ena, bigla siyang binalot ng kaba. “Nakaalis na po ba sila Manong? Nakalayo na po ba?” Nababahalang tanong niya. “Hindi naman sila nagtagal. Mabuti nga at umalis kaagad. Ang lalaki ng katawan ng mga taong iyon, marami pang mga tatu at sa mga hitsura pa lang mukhang hindi na gagawa ng mabuti.” Napapailing na komento ni Mang Jose kaya kahit papaano ay napabuga ng malalim na buntong hininga si Ena. Tama ang matanda, ayaw man niyang manghusga pero talagang ga

  • Love by the Tide (The Billionaire's Pearl)   Kabanata 3

    Tiningnan ni Ena ang laman ng kanyang mumurahing pitaka, tatlong daan pa rin ang pera niya, walang bawas. Ibig sabihin ay hindi kumuha si Mina ng baon. Pagsasabihan niya nalang ang kapatid pag-uwi niyon. Naghilamos lang siya at nagpalit ng simpleng masusuot bago nagtungo sa kabilang baryo para bumili ng gamot. At nang mabili na nga ito lahat ay tanging limang piso na lamang ang natira sa kanya. De bale, pupunta naman siya ngayon sa pantalan kaya tiyak kikita pa siya. “Miss, nakita mo ba ang lalaking ito?” Napahinto si Ena sa paglalakad nang mapansin ang dalawang balbasaradong lalaki, may hawak itong parang papel na ipinapakita sa babaeng pinagtanungan. “Pasensiya na po pero wala.” Narinig niyang sagot ng babae. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa siya naman ang napagtanungan ng mga ito. “Miss, nakita mo ba ang lalaking ito?” Tanong nito sa kanya kaya dumako ang mga mata niya sa larawang papel na bitbit nito. Napaawang siya kasabay ng pamimilog ng kanyang mga m

  • Love by the Tide (The Billionaire's Pearl)   Kabanata 2

    Nanginginig pa rin ang katawan ni Helena habang nakaupo ngayon sa labas ng kubo ni Mang Jose, ang albularyong kapitbahay niya na malapit sa kanilang magkapatid. Wala na siyang ibang maisip na pagdalhan sa lalaki. Malayo ang ospital sa kanila, nasa karatig bayan pa at kinailangan pang sumakay ng bangka para makarating doon. “Ate, tubig.” Agad niyang kinuha ang baso sa kamay ng kapatid na si Mina saka ito mabilis na ininom. Umupo ito sa tabi niya. “Ang laking mama’ pero nadala mo patungo rito. Ang lakas mo talaga.” Napapailing na turan nito. Kung paano niya nadala? Hindi niya na alam. Basta buong lakas niya iyong naisakay sa kariton at hinila patungo rito. Hindi niya na maisip kung paano niya iyon nagawa dahil tunay na malaki ang pangangatawan ng lalaki at matangkad pa. Tinalo pa sa bigat ang ilang timba ng isda na sanay siyang kargahin. Pero ngayon niya palang naramdaman na parang lupaypay ang braso niya sa sobrang pagod, ubos ang lakas niya. At hindi pa man siya nakakasa

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status