แชร์

Kabanata 2

ผู้เขียน: Mariya Agatha
last update วันที่เผยแพร่: 2026-09-13 01:17:33

Nanginginig pa rin ang katawan ni Helena habang nakaupo ngayon sa labas ng kubo ni Mang Jose, ang albularyong kapitbahay niya na malapit sa kanilang magkapatid. Wala na siyang ibang maisip na pagdalhan sa lalaki. Malayo ang ospital sa kanila, nasa karatig bayan pa at kinailangan pang sumakay ng bangka para makarating doon.

“Ate, tubig.” Agad niyang kinuha ang baso sa kamay ng kapatid na si Mina saka ito mabilis na ininom.

Umupo ito sa tabi niya. “Ang laking mama’ pero nadala mo patungo rito. Ang lakas mo talaga.” Napapailing na turan nito.

Kung paano niya nadala? Hindi niya na alam. Basta buong lakas niya iyong naisakay sa kariton at hinila patungo rito. Hindi niya na maisip kung paano niya iyon nagawa dahil tunay na malaki ang pangangatawan ng lalaki at matangkad pa.

Tinalo pa sa bigat ang ilang timba ng isda na sanay siyang kargahin.

Pero ngayon niya palang naramdaman na parang lupaypay ang braso niya sa sobrang pagod, ubos ang lakas niya.

At hindi pa man siya nakakasagot sa kapatid ay biglang lumabas si Mang Jose kaya mabilis siyang napatayo.

“May tama ng baril sa braso at tagiliran. Nakuha ko na ang bala Ena pero hindi sapat ang mga halamang gamot para maagapan, kailangan natin ng antibiyotik.” Imporma ng matanda kaya napalunok siya ng mariin.

Hindi niya napansin na may tama ng baril ang lalaki gawa na rin ng kadiliman ng paligid at tanging flashlight lang ang nagbibigay liwanag sa kanila kanina. Hindi niya aakalaing higit palang malala ang kondisyon nito. Paano at bakit iyon nabaril? At masasagot lamang ang katanungang ito kapag nagising ang lalaki.

“Ate, wala tayo nun. Kinailangan mo pang bumili sa botika sa bayan, kaso gabi na.” Wika ni Mina kaya mas lalo siyang naalarma.

“Manong Jose, tiyak sarado na po ngayon. Pwede pa po bang ipagpabukas?” Nag-aalalang tanong niya sa matanda.

“Kaya pa naman hanggang bukas Ena dahil kahit papaano’y mayroon pa akong dalawang pirasong natira dito. Basta bukas, kailangan mong makabili.” Anito na siyang marahan niyang ikinatango.

Napatitig si Mina sa kanya. “Ate, may pera ka pa ba?”

Marahan siyang ngumiti saka tumango. “Meron pa. May kinita naman ako sa pantalan. May pangbaon ka pa.”

“Ikaw ang inaalala ko ate. Makakapasok naman ako kahit walang baon.” Sagot nito kaya tinapik niya ang braso nito.

“Huwag mo akong alalahanin. Makakahanap ako palagi ng paraan. Pera lang yan, kikitain ko yan.” Positibong wika niya kaya napanatag ang mukha ni Mina kahit pa mababanaag ang awa nito para sa kanya na siyang tanging naghahanap buhay.

“Pwede na kayong magpahinga Ena. Ako na ang bahala dito.” Ani Mang Jose na ipinagpapasalamat niya.

Albularyo lamang si Mang Jose, pero bihasa ang matanda sa kung ano anong ritwal at halamang gamot kaya kahit papaano ay malaki ang tiwala niya. Kaya nga ito ang unang pinagdadalhan ng lahat kahit pa anong klaseng sakit, usog man yan o kulam dahil na rin sa kakulangan ng health facility sa baryo nila. At kapag di na kaya ng matanda ay saka dinadala sa karatig bayan.

“Anong balak mo dun sa mama’ na tinulungan mo ate?” Seryosong tanong sa kanya ni Mina habang naglalakad sila pauwi sa kubo nila.

Napabuntong hininga siya. Wala siyang ibang naiisip sa ngayon kundi tulungan pa rin ang lalaki sa abot ng kanyang makakaya hanggang sa gumaling. Napasuong na siya sa sitwasyong ito. Hindi pwedeng pabayaan niya nalang iyon at iasa kay Mang Jose gayung matanda na nga ang manggagamot at hirap din sa paghahanapbuhay.

“Patutuluyin mo ba siya sa barong barong natin?” Dagdag na tanong pa ni Mina. Napakamot siya sa ulo.

“Hindi ko pa alam sa ngayon. Bahala na siguro ang Maykapal sa mangyayari bunso. Ang mahalaga isang buhay ang natulungan natin.” Positibong sagot niya sa kapatid. Marahan itong tumango pero hindi na nagkomento pa.

Maaaring hirap sila sa buhay kahit noong nabubuhay pa ang ama niya, pero likas na talagang matulungin ang pamilya nila. Tipong kahit isusubo na nila ay handa pa silang magbahagi sa iba.

Napatingala si Ena sa kalangitan na may mga bituing nagniningning, saka siya marahang pumikit.

“Tay, kung nandito ka man ngayon, alam kong ikakatuwa mong nakapagligtas ako ng buhay. Gabayan niyo po ako, kami ni Mina.” Turan niya sa isip na sinundan niya ng isang taimtim na panalangin sa Maykapal.

*****

“Ate! Gumising ka dali!”

Nakabusangot na nagdilat ng mga mata si Ena sa tili ng kapatid. Sa ingay nito ay nabulabog ang mahimbing niyang tulog.

“Ang aga aga. Ano bang pinagtitili mo Mina?” Aniya na kinusot kusot pa ang mga mata bago dahan dahang bumangon sa hinihigaang banig.

“Alam ko na kung bakit tinulungan mo yong mama’ kahit hirap na hirap ka sa pagdadala sa kanya rito.” Salaysay nito na may kasamang malaking ngisi.

Napakunot ang noo niya. “Anong pinagsasabi mo?”

Ngunit bago pa man siya sagutin nito ay mabilis at buong lakas siya nitong hinila. “Basta! Dali na!”

Kahit naguguluhan ay nagpatangay na lamang si Ena sa makulit na kapatid. Natagpuan na lamang niya ang sarili sa harapan ng kubo ni Mang Jose.

“Pinakiusapan ako ni Manong kanina na bantayan na muna ang mama’ dahil mangunguha siya ng halamang gamot.” Wika ni Mina pero hindi maunawaan ni Ena kung ano ang ikinangisi ngisi nito.

“At kung hindi ko pa sinilip yong mama’ hindi ko malalaman na…. naku ate! basta tingnan mo.” Dagdag pa ni Mina na ngayon ay may kasama pang tili kaya mas lalong napakunot ang noo niya.

Hinila siya ng kapatid saka nito marahang binuksan ang pintuan ng kubo ni Mang Jose.

At nang tumambad sa kanila ang lalaking mahimbing na natutulog ay napalunok ng mariin si Ena.

“Ang gwapo niya ate! Napakagwapo! Kaya mo tinulungan ano kasi nalove at first sight ka?” Kinikilig na turan ni Mina.

Pero hindi siya makasagot. At yong mga mata niya ay halos ayaw kumurap habang nakatitig sa lalaki na ngayon lamang niya nasilayan ng maigi dahil sa kadiliman kagabi.

Tama si Mina, gwapo ito! Napakagwapo! Sa palagay niya ay gwapo pa sa mga artista sa telebisyon na napanood niya. Napakatangos ng ilong nito, makapal ang kilay at pilik-mata tapos may hati sa gitna ang baba nito.

Jusko! Para itong hindi tunay na tao. Namamalikmata ba siya?

“Hoy ate!”

Para siyang biglang nanumbalik sa realidad nang kurutin ni Mina ang mukha niya.

“Tulo laway kana oh! Kanina pa ako nagsasalita hindi ka sumasagot.” Nakangising biro ng kanyang kapatid kaya sinamaan niya ito ng tingin.

“Tigilan mo nga ako. Mag-asikaso ka na, may pasok ka pa.” Aniya lang at hindi na pinansin ang pangungulit nito.

“Oo na po. Aalis na ako mamaya maya. Kumain kana ate, nakapagsaing na ako at nakapagluto na rin ng isda.” Sagot nito na tinanguan niya.

“Kumuha ka ng babaunin mo sa pitaka ko. Mag iingat ka at mag aral ng mabuti.” Mariing bilin niya kaya napangiti si Mina.

“Yes po ma’am.” Anito at hinalikan pa ang pisngi niya bago nagpaalam. Pero bago ito tuluyang lumabas ng kubo ay muli pa siyang biniro.

“Huwag mo masyadong titigan yan si kuya tisoy at baka matunaw.” Anito bago kumaripas ng takbo papalabas.

Naiwanang napangiti na lamang si Ena. Kinse na si Mina pero nasa ikaanim na baitang palang. Walong taon ang agwat ng edad nila. Nahuli ang pagpasok ng kapatid niya sa paaralan dala ng kahirapan nila sa buhay lalo na noong nagkasakit ang ama nila at siya lahat sumalo ng gastusin sa pagpapagamot at tableta. Pero mas maigi na rin ito kaysa matulad sa kanya na hanggang grade 4 lang.

Bumalik ang mga mata ni Ena sa lalaking payapang nakapikit ang mga mata, bumaba pa ito patungo sa braso nitong may tama ng baril na nilagyan ng benda ni Mang Jose. Madami siyang katanungan sa isip sa kung ano talaga ang nangyari rito at bakit ito humantong sa ganito.

At nang dumako pa ang mga mata niya sa matipuno nitong dibdib ay napalunok siya ng mariin. Hindi lang napakagwapo nito, dahil napakaperpekto din ng katawan nito na animo’y napakatigas at napakalakas, idagdag pa ang tangkad nito na sa tingin niya ay higit nasa anim na talampakan. Tunay pala talaga na may nabubuhay na ganitong tao, iyong biniyayaan sa lahat ng magandang pisikal na anyo. Walang maipipintas.

Hindi nga lang siya sigurado sa pag uugali nito o kung anong klaseng tao ito at bakit ito nasa ganitong sitwasyon ngayon.

“Ena, nandito ka pala.”

Narinig niya ang boses ni Mang Jose kaya napalingon siya sa gawi ng matanda.

“Magandang umaga po Manong.” Magalang na bati niya rito.

“Yaman ay nandito ka nalang din, pwede bang pakipunasan ang katawan niya at nang malapatan ko ng bagong halamang gamot.” Anito kaya napakurap siya. Buong buhay niya ay hindi pa siya nakakahawak ng katawan ng ibang lalaki, maliban nalang sa ama niya noong nabubuhay pa at inaalagaan niya.

“Heto ang bimpo at tubig.” Pero hindi na siya nakatanggi nang iabot ito ng matanda sa kanya.

Napapikit siya ng mariin saka mariing pinapaalalahanan ang sarili. “Jusmeyo! Wala namang malisya to Ena! Walang mali sa pagtulong. Isa pa, tulog ang lalaki.” Aniya saka nagsimula at dahan dahang pinunasan ang mukha ng lalaki pababa sa leeg nito, braso, balikat, katawan. Pakiramdam niya ay para siyang ulirang asawa na inaalagaan ang asawang may sakit.

Napangisi si Ena sa kalikutan ng kanyang isipan. Kung tutuusin ay marami na siyang nakikitang katawan ng lalaki, mga kargador sa pantalan na walang suot pang-itaas. May mga macho rin naman.

Pero hindi niya alam kung bakit iba ang hatid sa kanya ng katawan ng lalaking ito. Para siyang pinapamulahan ng mukha sa tuwing nasasagi ito ng kamay niya.

Hanggang sa hindi niya na namalayan na tapos na siya sa ginagawa kaya muli itong nilapatan ni Mang Jose ng kuha nitong mga bagong halamang gamot.

“Matagal tagal na gamutan ito Ena. Kakayanin mo ba ang gastos?” Biglang tanong sa kanya ng matanda, may pag-aalala sa tono nito.

Positibo siyang tumango. Alam niyang hindi magiging madali dahil sarili lamang niya ang inaasahan niya. Pero hindi niya maaaring pabayaan ang lalaking ito na nangangailangan ng kanyang tulong.

“Bueno, ito ang mga gamot at antibiyotik na kailangan mo bilhin sa botika.” Tugon ng matanda saka nito iniabot sa kanya ang listahan na maliit na piraso ng papel.

Hindi niya alam kung kakasya pa ang tira sa kita niya kagabi pero pagsisikapan niyang mabili ang mga ito para tuluyan ng gumaling ang estranghero.

Positibo siyang ngumiti at muling tinapunan ng tingin ang lalaki bago siya nagpaalam sa matanda.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Love by the Tide (The Billionaire's Pearl)   Kabanata 7

    Love By the Tide Kabanata 7“Ena, tama na iyan. Magpahinga ka naman. Kanina ka pa nagbubuhat diyan.” Nag-aalalang usal ni Rosario habang nakatingin sa dalagang kanina pa di nagpapapigil sa pagbubuhat ng timba na puno ng isda.Ngumiti si Ena saka nagthumbs up pa sa ginang. “Naku nay! Maliit na bagay lang ito. Kayang kaya ko pa.” Positibong sagot niya kaya napakamot na lamang sa ulo ang ginang.Sa totoo lang ay ramdam na rin niya ang pangangalay ng kanyang braso. Kaso kailangan niyang kumita ng malaki laki ngayon dahil paubos na ang antibiyotik ni Leo at kinailangan niya rin bumili ng bigas. Tatlo na silang kumakain ngayon at paminsan minsan ay sinasama niya rin sa budget si Manong Jose lalo pa at ang matanda ang gumagamot kay Leo. Kaya kahit nakakapagod ay hindi siya pwedeng tumigil.Akmang muling bubuhatin ni Ena ang timba nang biglang lumapit si Nelson.“Ena…” Malumanay na tawag ng lalaki sa kanyang pangalan kaya napatigil siya at napalingon sa gawi nito.“Masyado mong binubogbog ang

  • Love by the Tide (The Billionaire's Pearl)   Kabanata 6

    “Malalim pa ang mga sugat mo iho kaya hindi ka muna pwedeng gumalaw galaw.” Mariing payo ni Mang Jose habang naglalagay ng ointment at pinapalitan ng halamang gamot ang sugat ng estranghero.Maagang nagtungo ang matanda sa kubo dahil na rin sa balita ni Ena na nagising na ang lalaki. Pagkagising kasi nito ay saktong patapos na rin si Ena magluto ng agahan kaya sabay na tumungo ang dalawa. Pagkarating ay agad na pumasok sa loob ang matanda habang naiwan naman si Ena sa labas upang ilatag sa mesang kahoy ang dalang mga pagkain.“Pasensiya ka na at ganito lang ang maibibigay naming gamot sayo, napakalayo ng ospital dito. Isa pa, wala rin kaming sapat na pinansyal para doon.” Dagdag pa ng matanda kaya napalunok ng mariin ang lalaki.Kahit naman hindi sabihin ng matanda ay hindi naman siya bulag para hindi makita ang kinalalagyan niya ngayon, na kahit masama man isipin ay mas maayos pa ang kulungan ng baboy. Pakiramdam niya kasi ay isang malakas lang na hangin ang dadaan at siguradong lili

  • Love by the Tide (The Billionaire's Pearl)   Kabanata 5

    “Si— sino ka?”Napanganga si Ena, hindi makapaniwalang nagising ang lalaking kanina lang ay hiniling niyang magising.“Miss, tinatanong kita! Sino ka at nasaan ako?” Muling tanong nito sa ngayo’y baritonong boses. Pinilit pa nitong bumangon kaya taranta itong pinigilan ni Ena.“Hu—huwag ka munang gumalaw. Hindi pa magaling ang sugat mo.” Bulalas niya saka wala sa isip na hinawakan ang braso ng lalaki. Tumigil ito saka tiningnan ang bendang nakalagay sa braso at katawan. Kita pa ni Ena ang bahagyang pag-awang ng labi nito kasunod ng pagalaw ng panga nito.“Ang gwapo!” Lihim na bulalas niya sa sarili nang wala sa loob na pagmasdan ang estranghero. Na kahit lampara lang ay nagbibigay liwanag sa kanila ay tila ba hindi maitatago ang sobrang kagwapuhan nitong taglay. At nang biglang dumako ang tingin nito sa kanya ay nagpang-abot ang mga mata nila. Pakiramdam ni Ena ay parang tumigil ang oras kasabay ng hindi maipaliwanag na tibok ng kanyang puso. Napaawang ang mga labi ni Ena. Ngayong gi

  • Love by the Tide (The Billionaire's Pearl)   Kabanata 4

    “Po Manong? May problema po ba?” Nag-aalalang tanong niya sa matanda, hawak pa ni Mang Jose ang dibdib habang paulit ulit na napabuga ng hangin na animo’y hinihingal. Agad na nagsalin si Ena ng tubig sa baso saka iniabot sa matanda. “Uminom po muna kayo Manong.” Aniya na mabilis naman nitong kinuha at nilagok. “Sabi ko ka’ko eh yong mga lalaki na tinutukoy mong naghahanap kay Tisoy. Aba! Nagpunta sa kubo mo at sa kubo ko. Buti nalang talaga nailipat natin siya agad dito.” Hinihingal na imporma nito. Napalunok ng mariin si Ena, bigla siyang binalot ng kaba. “Nakaalis na po ba sila Manong? Nakalayo na po ba?” Nababahalang tanong niya. “Hindi naman sila nagtagal. Mabuti nga at umalis kaagad. Ang lalaki ng katawan ng mga taong iyon, marami pang mga tatu at sa mga hitsura pa lang mukhang hindi na gagawa ng mabuti.” Napapailing na komento ni Mang Jose kaya kahit papaano ay napabuga ng malalim na buntong hininga si Ena. Tama ang matanda, ayaw man niyang manghusga pero talagang ga

  • Love by the Tide (The Billionaire's Pearl)   Kabanata 3

    Tiningnan ni Ena ang laman ng kanyang mumurahing pitaka, tatlong daan pa rin ang pera niya, walang bawas. Ibig sabihin ay hindi kumuha si Mina ng baon. Pagsasabihan niya nalang ang kapatid pag-uwi niyon. Naghilamos lang siya at nagpalit ng simpleng masusuot bago nagtungo sa kabilang baryo para bumili ng gamot. At nang mabili na nga ito lahat ay tanging limang piso na lamang ang natira sa kanya. De bale, pupunta naman siya ngayon sa pantalan kaya tiyak kikita pa siya. “Miss, nakita mo ba ang lalaking ito?” Napahinto si Ena sa paglalakad nang mapansin ang dalawang balbasaradong lalaki, may hawak itong parang papel na ipinapakita sa babaeng pinagtanungan. “Pasensiya na po pero wala.” Narinig niyang sagot ng babae. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa siya naman ang napagtanungan ng mga ito. “Miss, nakita mo ba ang lalaking ito?” Tanong nito sa kanya kaya dumako ang mga mata niya sa larawang papel na bitbit nito. Napaawang siya kasabay ng pamimilog ng kanyang mga m

  • Love by the Tide (The Billionaire's Pearl)   Kabanata 2

    Nanginginig pa rin ang katawan ni Helena habang nakaupo ngayon sa labas ng kubo ni Mang Jose, ang albularyong kapitbahay niya na malapit sa kanilang magkapatid. Wala na siyang ibang maisip na pagdalhan sa lalaki. Malayo ang ospital sa kanila, nasa karatig bayan pa at kinailangan pang sumakay ng bangka para makarating doon. “Ate, tubig.” Agad niyang kinuha ang baso sa kamay ng kapatid na si Mina saka ito mabilis na ininom. Umupo ito sa tabi niya. “Ang laking mama’ pero nadala mo patungo rito. Ang lakas mo talaga.” Napapailing na turan nito. Kung paano niya nadala? Hindi niya na alam. Basta buong lakas niya iyong naisakay sa kariton at hinila patungo rito. Hindi niya na maisip kung paano niya iyon nagawa dahil tunay na malaki ang pangangatawan ng lalaki at matangkad pa. Tinalo pa sa bigat ang ilang timba ng isda na sanay siyang kargahin. Pero ngayon niya palang naramdaman na parang lupaypay ang braso niya sa sobrang pagod, ubos ang lakas niya. At hindi pa man siya nakakasa

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status