공유

Kabanata 3

작가: Mariya Agatha
last update 게시일: 2026-09-13 01:17:35

Tiningnan ni Ena ang laman ng kanyang mumurahing pitaka, tatlong daan pa rin ang pera niya, walang bawas. Ibig sabihin ay hindi kumuha si Mina ng baon. Pagsasabihan niya nalang ang kapatid pag-uwi niyon. Naghilamos lang siya at nagpalit ng simpleng masusuot bago nagtungo sa kabilang baryo para bumili ng gamot.

At nang mabili na nga ito lahat ay tanging limang piso na lamang ang natira sa kanya. De bale, pupunta naman siya ngayon sa pantalan kaya tiyak kikita pa siya.

“Miss, nakita mo ba ang lalaking ito?”

Napahinto si Ena sa paglalakad nang mapansin ang dalawang balbasaradong lalaki, may hawak itong parang papel na ipinapakita sa babaeng pinagtanungan.

“Pasensiya na po pero wala.” Narinig niyang sagot ng babae. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa siya naman ang napagtanungan ng mga ito.

“Miss, nakita mo ba ang lalaking ito?” Tanong nito sa kanya kaya dumako ang mga mata niya sa larawang papel na bitbit nito.

Napaawang siya kasabay ng pamimilog ng kanyang mga mata. Hindi siya maaaring magkamali..ang lalaki sa larawan.. kamukhang kamukha ng lalaking iniligtas niya!

Para siyang biglang napako sa kinatatayuan. Sino ang mga lalaking ito at bakit nila pinaghahanap ang estrangherong iyon? Mga kasamahan niya kaya ito? Mga kakilala?

O baka naman… mga kaaway?

“Hoy Miss, bingi ka ba?”

Pagalit na tanong ng isa nang di siya agad makasagot. Bastos ang tono ng pananalita nito kaya sigurado siyang hindi ito mabubuting tao.

Walang pag-aalinlangan siyang umiling saka siya unti unting humakbang paalis hawak ang dibdib na dumadagundong sa labis na kaba. Ngunit bago pa man siya tuluyang makalayo ay pansin niya ang paglapit ng isa pang lalaki sa dalawa kaya sa palagay niya ay magkasama ang mga ito.

Wala sa loob na palihim siyang nakinig sa usapan ng mga ito. Binalot siya ng katanungan at labis na kuryosidad.

“Kahapon pa tayo rito pero wala ni isang nakakita. Siguradong dido na yon. Baka kinain na ng mga pating katawan. Matutuwa nito si boss.” Nakangising wika nito na mabilis binatukan ng isang kasama.

“Gago! Ang sabi ni boss, patay man o buhay ay kailangan nating mahanap ang katawan ng lalaking yon!”

Parang nanginig ang buong kalamnan ni Ena sa narinig. Sapat na ang mga sinabi ng mga ito para makumpirma niyang masasama itong mga tao at may taong nagtangka sa buhay ng lalaking iniligtas niya.

Halos patakbo siyang naglakad papaalis. Kailangan niyang makauwi at mabalaan si Mang Jose sa nalaman niya. Walang pwedeng makaalam na may tinulungan siyang tao dahil tunay na nanganganib ang buhay ng lalaki.

********

“Ano kamo?” Naguguluhang tanong ng matanda sa kanya. Hinihingal pa siya pagkarating dahil sa pagmamadali pero wala na siyang inaksayang oras at agad na sinabi sa matanda ang natuklasan.

“May mga masasamang tao ang naghahanap sa kanya Manong. Walang ibang pwedeng makaalam na may tinulungan tayong tao. Nanganganib ang buhay niya!” Muli niyang paliwanag kaya bahagyang napaawang ang mga labi ng matanda.

“Bakit pinagtangkaan ang buhay niya? Ma–masamang tao ba ang tisoy na ito?” Naguguluhang tanong pa nito.

Marahan siyang umiling. “Hindi ko rin alam Manong. Pero sigurado akong mga masasamang tao ang naghahanap sa kanya kaya hindi natin siya pwedeng pabayaan.” Buong loob na sagot niya.

Napabuntong hininga ang matanda. “Hindi ka ba natatakot na baka madamay tayo Ena?” May pag-aalala sa tono ng boses nito. Pero buo na ang desisyon niya.

“Mas nakakatakot kung wala tayong gagawin Manong gayung alam natin na nanganganib ang buhay niya. At hindi tayo madadamay kung mananatiling lihim ang tungkol sa kanya.” Diretsahan at walang paligoy ligoy na ani niya na kalaunan ay sinang ayunan ng matanda.

Hindi niya alam kung anong klaseng tao ang estranghero. Ni wala siyang anumang ideya sa pagkakakilanlan nito. Pero umaasa siya na sana ay hindi ito masamang tao at hindi siya nagkamali sa pagtulong.

Pagkatapos nilang magkasundo ay ibinigay agad ni Ena sa matanda ang nabili niyang mga gamot.

“Para po mas mapanatag tayo ay pwede natin siyang ilagay sa tagong kubo doon sa kagubatan.” Suhestiyon niya kay Mang Jose. Naisip niya ang nakatagong kubo sa dulong bahagi ng dalampasigan na napaliligiran ng maraming punongkahoy. Matagal na iyong abandonado magmula ng lumuwas ng syudad ang dating may-ari at hindi na bumalik. Pero hindi pa naman iyon sira kaya pwedeng pwede iyon pagtaguan ng lalaki.

“Aba tama ka! Bakit nga ba hindi ko naisip iyon?” Komento ni Mang Jose, nakahawak pa ito sa baba niya na animo’y napakaganda ng ideya na iyon ni Ena.

Kaya naman, bago pa sila abutin ng tanghali ay isinagawa na agad nila ang plano. Matapos maihanda ang kakailanganing mga gamit ay pinagtulungan nilang isakay sa kariton ang katawan ng lalaki, mahimbing na mahimbing pa rin ang tulog nito at walang kamalay malay kung gaano naghirap si Ena at Mang Jose sa pagbubuhat sa malaki nitong katawan.

“Ang laki talaga ng taong ito. Tisoy pa, mukhang may lahi.” Komento ni Mang Jose habang pinagtutulungan nilang itulak ang kariton patungo sa nakatagong kubo.

Hindi siya agad nakasagot. Wala sa loob na pinagmasdan niya ang malaking pangangatawan ng lalaki patungo sa gwapong mukha. “May lahi? Parang tama po kayo Manong. Para higit pa nga po siyang gwapo keysa sa mga artista sa telebisyon.” Matapat na wika niya na ikinangisi ng matanda.

Napakunot ang noo ni Ena. “May nakakatawa po ba Manong?” Aniya sa matandang di mawala wala ang ngiti sa mga labi.

“Aba! Magmula ng naging dalaga ka ay ngayon lang kasi kita narinig na pumuri ng isang lalaki Ena.” Sagot nito kaya namilog ang mga mata niya at ramdam na ramdam niya ang pag-init ng kanyang mukha.

Tama ito. Sa edad niyang bente tres ay ngayon lang niya natagpuan ang sariling humahanga sa isang lalaki, iyong paghanga sa pisikal na aspeto. Marami namang mga lalaki sa baryo nila at marami din ang nagpapalipad hangin sa kanya, pero ni isa sa mga iyon ay wala siyang interes, kahit pa kay Nelson na masipag at madiskarte sa buhay.

“Kayo talaga Manong, kung ano anong iniisip ninyo.” Aniya lamang sa matandang may makahulungang ngiti.

Pagkarating nila sa kubo ay winalisan at inayos muna ito ni Ena bago nila pinahiga ang lalaki. Ang ginamit niyang banig, kumot at unan ay kanya pa mismo. De bale ng magsalo sila ni Mina sa iisang kumot dahil higit na kailangan ito ng lalaki.

“Mukhang komportable pa ang kubong ito keysa sa kubo ko Ena. Buti nalang din naisip mo ang ideyang ito.” Ani Mang Jose habang nagsimula ng palitan ng bagong halamang dahon ang sugat ng lalaki. Si Ena naman ay nakaupo lang at nakamasid.

“Ang mahalaga po ay ang kaligtasan niya.” Simpleng sagot niya. Siya at si Mina lang kasi ang nagpupunta sa kubong ito kapag nangunguha sila ng panggatong na kahoy, ginagawa nila itong tambayan at minsan pa nga ay tulugan kapag inabot sila ng pagod. Magmula ng lumisan ang may-ari nito ay wala na ring ibang taong nagpupunta rito kaya panatag ang loob niya na ligtas dito ang lalaki.

“Pero maiba tayo, iyong mga gamot na binili mo ay pang dalawang araw lang. Kaya pa ba ng bulsa mo Ena? Baka abutin ng isang buwan o higit pa ang gamutan.” Seryosong tanong ni Mang Jose.

Napalunok siya ng mariin pero mabilis din siyang tumango. “Kaya ko po Manong, magagawan ko po ng paraan. Mamaya po ay pupunta ako ng pantalan.” Positibong sagot niya sa matanda na ikinatango lang nito ng marahan. Nag-aalala din ito sa magkapatid na itinuring na niyang mga apo. Magmula ng iwan ang mga ito ng kanilang ina at nagkasakit ang ama hanggang sa namayapa ay siya na ang tumayong pamilya nina Ena at Mina.

“Ako na muna ang titingin sa Tisoy na ito pag aalis ka.” Ani Mang Jose na ikinangiti ni Ena. Mabuti nalang at nagkataong wala ring nagpapagamot sa matanda ngayon.

“Salamat po Manong. De bale po, kapag kumita ako ay bibigyan ko po kayo ng–” Ngunit agad ding naudlot ang sasabihin niya nang mabilis itong putulin ng matanda.

“Ena, huwag mo ng isipin iyon. Hindi ako nagpapabayad. Hindi kayo ibang tao sa akin ni Mina.” Ani nito kaya marahang tumango si Ena at muling nagpasalamat.

Gustuhin niya mang may maiabot na pera ay alam niyang tatanggihan lang ng matanda. Kaya babawi na lamang siya sa ibang paraan. Ang dalawang kubo lamang nila ang magkapitbahay sa bahaging ito ng isla kaya wala talagang ibang magtutulungan kundi sila sila lang.

Nang matapos si Mang Jose sa ginagawa ay saglit itong nagpaalam kay Ena. Mamaya kasi ay si Ena naman ang aalis para magtungo sa pantalan at si Mang Jose naman ang magbabantay sa Tisoy na ito.

‘Tisoy… Tisoy… Tisoy…’

Napangiti siya nang banggitin ng makailang ulit ang salitang ito sa isipan. Ang ibig sabihin ng salitang ito sa kanila ay gwapong parang may lahi. Hindi niya alam ang tamang salita pero ganoon ang pagkakaintindi niya. Minsan na siyang nakapanood ng palabas sa isang bahay kalapit sa pantalan na may telebisyon, at higit nga na mas gwapo ang estrangherong ito keysa sa mga bidang lalaki na napanood niya.

Muli niyang tinitigan ang mukha nito, tunay na walang maipipintas… lalo na siguro kung gising ito.

“Kailan mo ba ididilat yang mga mata mo? At kung sakali bang magising ka na, aalis ka ba rito agad?” Tanong niya, kinakausap ang natutulog na lalaki.

Pero natawa din siya sa sarili nang walang makuhang sagot. Pero sigurado naman siya na ‘oo’ ang sagot sa huling tanong niya. Sino nga naman ang magtitiis na manirahan sa ganitong klaseng lugar? Siya lang naman dahil mangmang siya at walang pinag-aralan kaya wala na siyang magandang kinabukasan, kaya tanggap niyang dito na siya ipinanganak at mamamatay. Pero mataas ang pangarap niya para sa kapatid na si Mina. Gusto niyang maging maayos ang kinabukasan ni Mina, na malayo ang marating niyon. De baleng maiwanan siya sa lupa basta matupad lang ang pangarap niya kay Mina.

At sa mga naiisip ay namuo ang mga butil sa mga mata niya. “Ang nanay ko nga umalis dito, sumama sa ibang lalaki at iniwan kami. Sino bang tao ang mataas ang ambisyon na gugustuhing tumira dito? Yon nga lang, mas pinili niya ang ambisyon niya keysa sa amin. Ganoon siguro kami kawalang halaga sa kanya.” Aniya pa saka pinahid ang mga luha gamit ang palad.

“Para akong tangang nagkukwento sa taong hindi naman nakikinig. Pero mas okay naman ito hindi ba? Kasi hindi mo ako mahuhusgahan at lalaitin.”

Patuloy pa rin si Ena sa pagkukwento. Kahit naman walang sumasagot ay gumagaan pa rin ang pakiramdam niya. Ngayon lang ata siya nagbahagi ng talambuhay niya sa isang estranghero. Yon nga lang, estrangherong walang kamalay malay.

“Ena!!! Yong mga lalaki!!”

Naudlot ang pagiging emosyonal niya at agad na napatayo nang marinig ang nababahalang boses ni Mang Jose.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Love by the Tide (The Billionaire's Pearl)   Kabanata 7

    Love By the Tide Kabanata 7“Ena, tama na iyan. Magpahinga ka naman. Kanina ka pa nagbubuhat diyan.” Nag-aalalang usal ni Rosario habang nakatingin sa dalagang kanina pa di nagpapapigil sa pagbubuhat ng timba na puno ng isda.Ngumiti si Ena saka nagthumbs up pa sa ginang. “Naku nay! Maliit na bagay lang ito. Kayang kaya ko pa.” Positibong sagot niya kaya napakamot na lamang sa ulo ang ginang.Sa totoo lang ay ramdam na rin niya ang pangangalay ng kanyang braso. Kaso kailangan niyang kumita ng malaki laki ngayon dahil paubos na ang antibiyotik ni Leo at kinailangan niya rin bumili ng bigas. Tatlo na silang kumakain ngayon at paminsan minsan ay sinasama niya rin sa budget si Manong Jose lalo pa at ang matanda ang gumagamot kay Leo. Kaya kahit nakakapagod ay hindi siya pwedeng tumigil.Akmang muling bubuhatin ni Ena ang timba nang biglang lumapit si Nelson.“Ena…” Malumanay na tawag ng lalaki sa kanyang pangalan kaya napatigil siya at napalingon sa gawi nito.“Masyado mong binubogbog ang

  • Love by the Tide (The Billionaire's Pearl)   Kabanata 6

    “Malalim pa ang mga sugat mo iho kaya hindi ka muna pwedeng gumalaw galaw.” Mariing payo ni Mang Jose habang naglalagay ng ointment at pinapalitan ng halamang gamot ang sugat ng estranghero.Maagang nagtungo ang matanda sa kubo dahil na rin sa balita ni Ena na nagising na ang lalaki. Pagkagising kasi nito ay saktong patapos na rin si Ena magluto ng agahan kaya sabay na tumungo ang dalawa. Pagkarating ay agad na pumasok sa loob ang matanda habang naiwan naman si Ena sa labas upang ilatag sa mesang kahoy ang dalang mga pagkain.“Pasensiya ka na at ganito lang ang maibibigay naming gamot sayo, napakalayo ng ospital dito. Isa pa, wala rin kaming sapat na pinansyal para doon.” Dagdag pa ng matanda kaya napalunok ng mariin ang lalaki.Kahit naman hindi sabihin ng matanda ay hindi naman siya bulag para hindi makita ang kinalalagyan niya ngayon, na kahit masama man isipin ay mas maayos pa ang kulungan ng baboy. Pakiramdam niya kasi ay isang malakas lang na hangin ang dadaan at siguradong lili

  • Love by the Tide (The Billionaire's Pearl)   Kabanata 5

    “Si— sino ka?”Napanganga si Ena, hindi makapaniwalang nagising ang lalaking kanina lang ay hiniling niyang magising.“Miss, tinatanong kita! Sino ka at nasaan ako?” Muling tanong nito sa ngayo’y baritonong boses. Pinilit pa nitong bumangon kaya taranta itong pinigilan ni Ena.“Hu—huwag ka munang gumalaw. Hindi pa magaling ang sugat mo.” Bulalas niya saka wala sa isip na hinawakan ang braso ng lalaki. Tumigil ito saka tiningnan ang bendang nakalagay sa braso at katawan. Kita pa ni Ena ang bahagyang pag-awang ng labi nito kasunod ng pagalaw ng panga nito.“Ang gwapo!” Lihim na bulalas niya sa sarili nang wala sa loob na pagmasdan ang estranghero. Na kahit lampara lang ay nagbibigay liwanag sa kanila ay tila ba hindi maitatago ang sobrang kagwapuhan nitong taglay. At nang biglang dumako ang tingin nito sa kanya ay nagpang-abot ang mga mata nila. Pakiramdam ni Ena ay parang tumigil ang oras kasabay ng hindi maipaliwanag na tibok ng kanyang puso. Napaawang ang mga labi ni Ena. Ngayong gi

  • Love by the Tide (The Billionaire's Pearl)   Kabanata 4

    “Po Manong? May problema po ba?” Nag-aalalang tanong niya sa matanda, hawak pa ni Mang Jose ang dibdib habang paulit ulit na napabuga ng hangin na animo’y hinihingal. Agad na nagsalin si Ena ng tubig sa baso saka iniabot sa matanda. “Uminom po muna kayo Manong.” Aniya na mabilis naman nitong kinuha at nilagok. “Sabi ko ka’ko eh yong mga lalaki na tinutukoy mong naghahanap kay Tisoy. Aba! Nagpunta sa kubo mo at sa kubo ko. Buti nalang talaga nailipat natin siya agad dito.” Hinihingal na imporma nito. Napalunok ng mariin si Ena, bigla siyang binalot ng kaba. “Nakaalis na po ba sila Manong? Nakalayo na po ba?” Nababahalang tanong niya. “Hindi naman sila nagtagal. Mabuti nga at umalis kaagad. Ang lalaki ng katawan ng mga taong iyon, marami pang mga tatu at sa mga hitsura pa lang mukhang hindi na gagawa ng mabuti.” Napapailing na komento ni Mang Jose kaya kahit papaano ay napabuga ng malalim na buntong hininga si Ena. Tama ang matanda, ayaw man niyang manghusga pero talagang ga

  • Love by the Tide (The Billionaire's Pearl)   Kabanata 3

    Tiningnan ni Ena ang laman ng kanyang mumurahing pitaka, tatlong daan pa rin ang pera niya, walang bawas. Ibig sabihin ay hindi kumuha si Mina ng baon. Pagsasabihan niya nalang ang kapatid pag-uwi niyon. Naghilamos lang siya at nagpalit ng simpleng masusuot bago nagtungo sa kabilang baryo para bumili ng gamot. At nang mabili na nga ito lahat ay tanging limang piso na lamang ang natira sa kanya. De bale, pupunta naman siya ngayon sa pantalan kaya tiyak kikita pa siya. “Miss, nakita mo ba ang lalaking ito?” Napahinto si Ena sa paglalakad nang mapansin ang dalawang balbasaradong lalaki, may hawak itong parang papel na ipinapakita sa babaeng pinagtanungan. “Pasensiya na po pero wala.” Narinig niyang sagot ng babae. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa siya naman ang napagtanungan ng mga ito. “Miss, nakita mo ba ang lalaking ito?” Tanong nito sa kanya kaya dumako ang mga mata niya sa larawang papel na bitbit nito. Napaawang siya kasabay ng pamimilog ng kanyang mga m

  • Love by the Tide (The Billionaire's Pearl)   Kabanata 2

    Nanginginig pa rin ang katawan ni Helena habang nakaupo ngayon sa labas ng kubo ni Mang Jose, ang albularyong kapitbahay niya na malapit sa kanilang magkapatid. Wala na siyang ibang maisip na pagdalhan sa lalaki. Malayo ang ospital sa kanila, nasa karatig bayan pa at kinailangan pang sumakay ng bangka para makarating doon. “Ate, tubig.” Agad niyang kinuha ang baso sa kamay ng kapatid na si Mina saka ito mabilis na ininom. Umupo ito sa tabi niya. “Ang laking mama’ pero nadala mo patungo rito. Ang lakas mo talaga.” Napapailing na turan nito. Kung paano niya nadala? Hindi niya na alam. Basta buong lakas niya iyong naisakay sa kariton at hinila patungo rito. Hindi niya na maisip kung paano niya iyon nagawa dahil tunay na malaki ang pangangatawan ng lalaki at matangkad pa. Tinalo pa sa bigat ang ilang timba ng isda na sanay siyang kargahin. Pero ngayon niya palang naramdaman na parang lupaypay ang braso niya sa sobrang pagod, ubos ang lakas niya. At hindi pa man siya nakakasa

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status