MasukLove By the Tide Kabanata 7“Ena, tama na iyan. Magpahinga ka naman. Kanina ka pa nagbubuhat diyan.” Nag-aalalang usal ni Rosario habang nakatingin sa dalagang kanina pa di nagpapapigil sa pagbubuhat ng timba na puno ng isda.Ngumiti si Ena saka nagthumbs up pa sa ginang. “Naku nay! Maliit na bagay lang ito. Kayang kaya ko pa.” Positibong sagot niya kaya napakamot na lamang sa ulo ang ginang.Sa totoo lang ay ramdam na rin niya ang pangangalay ng kanyang braso. Kaso kailangan niyang kumita ng malaki laki ngayon dahil paubos na ang antibiyotik ni Leo at kinailangan niya rin bumili ng bigas. Tatlo na silang kumakain ngayon at paminsan minsan ay sinasama niya rin sa budget si Manong Jose lalo pa at ang matanda ang gumagamot kay Leo. Kaya kahit nakakapagod ay hindi siya pwedeng tumigil.Akmang muling bubuhatin ni Ena ang timba nang biglang lumapit si Nelson.“Ena…” Malumanay na tawag ng lalaki sa kanyang pangalan kaya napatigil siya at napalingon sa gawi nito.“Masyado mong binubogbog ang
“Malalim pa ang mga sugat mo iho kaya hindi ka muna pwedeng gumalaw galaw.” Mariing payo ni Mang Jose habang naglalagay ng ointment at pinapalitan ng halamang gamot ang sugat ng estranghero.Maagang nagtungo ang matanda sa kubo dahil na rin sa balita ni Ena na nagising na ang lalaki. Pagkagising kasi nito ay saktong patapos na rin si Ena magluto ng agahan kaya sabay na tumungo ang dalawa. Pagkarating ay agad na pumasok sa loob ang matanda habang naiwan naman si Ena sa labas upang ilatag sa mesang kahoy ang dalang mga pagkain.“Pasensiya ka na at ganito lang ang maibibigay naming gamot sayo, napakalayo ng ospital dito. Isa pa, wala rin kaming sapat na pinansyal para doon.” Dagdag pa ng matanda kaya napalunok ng mariin ang lalaki.Kahit naman hindi sabihin ng matanda ay hindi naman siya bulag para hindi makita ang kinalalagyan niya ngayon, na kahit masama man isipin ay mas maayos pa ang kulungan ng baboy. Pakiramdam niya kasi ay isang malakas lang na hangin ang dadaan at siguradong lili
“Si— sino ka?”Napanganga si Ena, hindi makapaniwalang nagising ang lalaking kanina lang ay hiniling niyang magising.“Miss, tinatanong kita! Sino ka at nasaan ako?” Muling tanong nito sa ngayo’y baritonong boses. Pinilit pa nitong bumangon kaya taranta itong pinigilan ni Ena.“Hu—huwag ka munang gumalaw. Hindi pa magaling ang sugat mo.” Bulalas niya saka wala sa isip na hinawakan ang braso ng lalaki. Tumigil ito saka tiningnan ang bendang nakalagay sa braso at katawan. Kita pa ni Ena ang bahagyang pag-awang ng labi nito kasunod ng pagalaw ng panga nito.“Ang gwapo!” Lihim na bulalas niya sa sarili nang wala sa loob na pagmasdan ang estranghero. Na kahit lampara lang ay nagbibigay liwanag sa kanila ay tila ba hindi maitatago ang sobrang kagwapuhan nitong taglay. At nang biglang dumako ang tingin nito sa kanya ay nagpang-abot ang mga mata nila. Pakiramdam ni Ena ay parang tumigil ang oras kasabay ng hindi maipaliwanag na tibok ng kanyang puso. Napaawang ang mga labi ni Ena. Ngayong gi
“Po Manong? May problema po ba?” Nag-aalalang tanong niya sa matanda, hawak pa ni Mang Jose ang dibdib habang paulit ulit na napabuga ng hangin na animo’y hinihingal. Agad na nagsalin si Ena ng tubig sa baso saka iniabot sa matanda. “Uminom po muna kayo Manong.” Aniya na mabilis naman nitong kinuha at nilagok. “Sabi ko ka’ko eh yong mga lalaki na tinutukoy mong naghahanap kay Tisoy. Aba! Nagpunta sa kubo mo at sa kubo ko. Buti nalang talaga nailipat natin siya agad dito.” Hinihingal na imporma nito. Napalunok ng mariin si Ena, bigla siyang binalot ng kaba. “Nakaalis na po ba sila Manong? Nakalayo na po ba?” Nababahalang tanong niya. “Hindi naman sila nagtagal. Mabuti nga at umalis kaagad. Ang lalaki ng katawan ng mga taong iyon, marami pang mga tatu at sa mga hitsura pa lang mukhang hindi na gagawa ng mabuti.” Napapailing na komento ni Mang Jose kaya kahit papaano ay napabuga ng malalim na buntong hininga si Ena. Tama ang matanda, ayaw man niyang manghusga pero talagang ga
Tiningnan ni Ena ang laman ng kanyang mumurahing pitaka, tatlong daan pa rin ang pera niya, walang bawas. Ibig sabihin ay hindi kumuha si Mina ng baon. Pagsasabihan niya nalang ang kapatid pag-uwi niyon. Naghilamos lang siya at nagpalit ng simpleng masusuot bago nagtungo sa kabilang baryo para bumili ng gamot. At nang mabili na nga ito lahat ay tanging limang piso na lamang ang natira sa kanya. De bale, pupunta naman siya ngayon sa pantalan kaya tiyak kikita pa siya. “Miss, nakita mo ba ang lalaking ito?” Napahinto si Ena sa paglalakad nang mapansin ang dalawang balbasaradong lalaki, may hawak itong parang papel na ipinapakita sa babaeng pinagtanungan. “Pasensiya na po pero wala.” Narinig niyang sagot ng babae. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa siya naman ang napagtanungan ng mga ito. “Miss, nakita mo ba ang lalaking ito?” Tanong nito sa kanya kaya dumako ang mga mata niya sa larawang papel na bitbit nito. Napaawang siya kasabay ng pamimilog ng kanyang mga m
Nanginginig pa rin ang katawan ni Helena habang nakaupo ngayon sa labas ng kubo ni Mang Jose, ang albularyong kapitbahay niya na malapit sa kanilang magkapatid. Wala na siyang ibang maisip na pagdalhan sa lalaki. Malayo ang ospital sa kanila, nasa karatig bayan pa at kinailangan pang sumakay ng bangka para makarating doon. “Ate, tubig.” Agad niyang kinuha ang baso sa kamay ng kapatid na si Mina saka ito mabilis na ininom. Umupo ito sa tabi niya. “Ang laking mama’ pero nadala mo patungo rito. Ang lakas mo talaga.” Napapailing na turan nito. Kung paano niya nadala? Hindi niya na alam. Basta buong lakas niya iyong naisakay sa kariton at hinila patungo rito. Hindi niya na maisip kung paano niya iyon nagawa dahil tunay na malaki ang pangangatawan ng lalaki at matangkad pa. Tinalo pa sa bigat ang ilang timba ng isda na sanay siyang kargahin. Pero ngayon niya palang naramdaman na parang lupaypay ang braso niya sa sobrang pagod, ubos ang lakas niya. At hindi pa man siya nakakasa







