Share

Chapter 30

Author: noowege
last update publish date: 2026-05-05 07:49:20

Kabado si Elena habang tinitingnan ang mga papel sa drawer ng opisina. Kahit ang mga lumang files ay tiningnan niya. Sinabi niya kay Hector na maglilinis lang muna siya dahil na-bored siya. Pero ang totoo ay gusto niya lang kalkalin ang mga gamit doon at hanapin ang papel na naglalaman ng mga illegal transactions ni Hector.

Maari niyang gamitin iyon para ipataob si Hector. Sisiguraduhin niyang babagsak ang lahat ng pinaghirapan nito sa gagawin niya. Irereport niya iyon sa awtoridad. Kailangan
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 44

    Nakamasid si Elena sa veranda habang nagtatawanan ang kaniyang ama at si Farah sa labas. Nakikita niyang masaya ang dalawa at nararamdaman niya sa kaibuturan niyang ayos na ang lahat sa kanila at maari na silang mag-umpisa sa pinakasimula kung saan nila iniwan doon ang mga bagay na dapat nilang natapos noon pa. Nasa harapan na ni Elena ang mga kailangan niya. Natupad ang hinihiling niyang sana ay um-okay na ang kaniyang ama. Masaya na ang ama niya at buhay buhay na nasa harapan niya. Ilang saglit ay tumama ang sinag ng araw sa mukha niya dahilan para balingan niya ang silangan at matanaw ang pag-usbong ng haring araw. ‘Bagong umaga, bagong pag-asa’ ika nga ng iba.Kaya lang bakit iba ang nararamdaman niya sa mga oras na yun? Bakit hindi pag-asa ang nararamdaman niya sa mga oras na yun kundi... kalungkutan?Parang may kulang.Parang hindi tama na maging masaya. Parang gusto niyang maiyak.Ilang saglit ay napatakip siya bigla sa bibig nang makaramdam siya ng kakaiba. Namilog ang mga

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 43

    Kung gaano kalala ang kahungkagan sa puso ni Elena? Hindi rin niya maipaliwanag. Tuwing naalala niya kung papaano sila naghiwalay ni Hector bago sumabog ang buong mansyon ay parang sinasakal siya. Ang huling ang ala-ala niya kay Hector ay nagiging bangungot niya sa araw araw. “M-Malayo pa po ba?” tanong niya sa personal driver ni Hector.Oo, kasama niya ang mismong driver ng lalaki ngunit hindi niya na kasama si Hector. Bago nangyari iyon ay nakahanda na ang lahat, nakaplano na ang lahat na animo nahulaan ni Hector na mangyayari ang bagay na yun. Sinabi nito sa driver nito na ihatid siya sa lugar na iyon oras na may mangyari rito.At heto nga siya. Sakay ng itim na kotse ay binabagtas nila ang malubak na daan. Ang tabi ay mga palayan. Nasa probinsiya na sila at hindi niya alam kung ano ang dadatnan sa lugara na yun. Sabi ng driver ay doon na raw siya titira upang masiguro ang kaligtasan niya. At isa pa'y ang pupuntahan niya ay ang property na binili ni Hector upang gawing taguan niya

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 42

    Biglang nagkakaputukan ulit. Ang problema ay sa dereksyon nila ni Hector nakatuon ang putok na iyon kaya agad siyang ikinubli ni Hector.Isang malutong na mura ang narinig niya kay Hector habang ikinukubli siya nito sa may sofa. Namimilog ang mga mata niya habang pasimpleng kinakargahan ni Hector ng bala ang dalang baril. “Stay here,” anito habang hawak ng may rahan ang pisngi niya.Kahit siya ay hindi inasahan ang nakitang sinseridad at panlalambot sa mga mata ni Hector habang nakatitig sa mga mata niya. Namamangha na napatango siya at sinunod ang gusto nito. Napatakip siya sa tainga nang marinig ang putok ng mga baril sa paligid. Wala na si Hector sa tabi niya. Kailangan niyang mag-ingat ngayong wala na siyang aasahan sa paligid niya. Ilang saglit ay nagulat na lang siya nang may balang naligaw sa gawi niya. Tumama iyon sa sofa at kamuntikan nang madaplisan ang binti niya mabuti na lang at hindi iyon umabot sa mismong binti niya. Hindi na siya naghintay pang tamaan kaya tumakbo s

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 41

    Habang pinagmamasdan ni Elena ang paligid tila talon na bumubuhos ang mga ala ala sa isipan ni Elena. Ang mga ala-ala kung kailan nawala ang anak nila ni Hector at napahamak siya. Katulad noong mga panahong iyon, wala ring pakialam si Hector. Hindi na rin siya aasa pa sa lalaki. Ano ba naman kasi siya kay Hector? Hindi niya rin naman alam kung anong mayroon sila maliban sa dati silang naging fvck buddy.“Really? You just came alone?” nanunuya ang boses ni Esmael habang nakaupo sa itim na single sofa.Ang binigay ni Esmael ay ang address ng mismong mansyon nito. Nang dumating siya roon ay si Luigi ang kaagad niyang naisip. Wala roon si Kunred, tanging si Esmael lang ang humarap sa kaniya.“Oo. At nasaan na si Luigi?” aniya sa malamig na boses.Pakakawalan si Luigi kapalit niya. Iyon ang usapan nila ng ama ni Luigi. Nang malaman ng ama nito ang sinapit ni Luigi ay hindi nag-atubili ang ama nito na mag-isip ng hakbang at tawagin ang mga tauhang pwede nitong makuha para sa delikadong re

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 40

    Hector, Aalis ulit ako. Sa pagkakataong ito ay titiyakin kong hindi mo na ako mahahanap. Inaamin kong ikaw ang sinisisi ko hanggang ngayon kaya nawala ang anak na'tin. Ang galit ko sa'yo ang dahilan kaya kita nilapitan ulit. Umaasa akong sa pagkakataong iyon ay maiganti ko man lang ang anak ko. Iniisip kong oras na nakaganti ako ay matatahimik na ako. Na kapag napabagsak na kita ay mapagbigyan ko na ang sarili ko. Kaya lang parang niloloko ko lang ang sarili ko. Kasi imposibleng mapabagsak kita. Nasa iyo ang lahat ng bagay na hirap akong abutin. Kaya't ang pagpapabagsak sa iyo ay parang suntok sa buwan. Sa pagkakataong ito tinuturuan ko na ang sarili kong kalimutan ang lahat ng nangyari sa ating dalawa. Tuturuan ko ang sarili kong umusad at mamuhay ng katulad ng dati. Salamat at binasa mo ito at hindi mo itinapon sa basurahan. Nasa mesa ang card na pinahiram mo sa akin isusuli ko na. Malaki ang nagastos mo sa'kin. Pero huwag kang mag-alala. Unti unti kong babayaran ang lahat. Buw

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 39

    Napadapa si Luigi nang dumapo ang malakas na suntok mula kay Kunred. Balak niyang umalis sa condo niya kinaumagahan. Inagahan niya at bandang 3 AM siya nagbalot bago nagtungo sa pinto ng kaniyang condo. Iniisip niyang hindi malalaman nina Esmael na nandoon si Elena oras na umalis siya sa condo. Balak niyang lumayo at hindi na magpapakita pa. Napagsabihan niya na si Elena. Nalaman na nito ang lahat tungkol kina Kunred at sa kapatid nitong si Esmael. Ikinuwento niya ang lahat sa babae sa pamamagitan ng sulat na iniwan niya. Kaya lang saktong paglabas niya ng condo niya at nai-lock ang pinto niya'y sumalubong sa paningin niya si Kunred. Mala demonyo ang ngiti nito at bigla na lang siyang binatukan. Nawalan siya ng malay. Mabuti na lang at na-lock niya ang condo bago siya binatukan ni Kunred. Nandoon kay Elena ang key card, iniwan niya kaya ayos lang. Masubuksan nito ang pinto at makakauwi ng ligtas.At nang magising siya ay natagpuan niya ang sarili sa isang madilim na silid. Ang lamp

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 22

    “Baliw ka na nga talaga! Akala mo ba hahayaan kong magpaiwan siya rito? Nananaginip ka yata ng gising na hayup ka!” biglang nagwala si Luigi dahilan para hawakan ito ng mga tauhan ni Hector.Akmang lalapit si Elena kay Luigi upang saklolohan ang lalaki ngunit nahawakan kaagad ito ni Hector. Pinalis

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 21

    Nagising si Elena sa hindi pamilyar na amoy mula sa paligid. Amoy rosas iyon. Kaya lang ang silid niya sa penthouse ni Luigi ay hindi naman ganun ang amoy.Ngunit nang mapagtanto niya ang huling nangyari bago siya nakatulog kagabi ay saka lang siya inatake ng kaba. Nakatulog siya sa sasakyan ng Hec

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 20

    Nagtagis ang bagang ni Hector nang makita ang sugat ni Elena sa kamay. Tumutulo iyon sa lakas ng pagdurugo. Galing ito sa loob. Tiyak niyang kay Luigi ito galing. Hindi niya akalaing ito ang bubungad sa kaniya pagkarating niya rito sa building. Umaasa siyang inaalagaan nito ang babae pero hindi na

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 19

    Nakaupo lamang si Elena sa couch habang naririnig niya ang mga pagtipa ni Luigi sa laptop nito. Nagtanong si Luigi kanina kung hindi ba siya nabuburyo sa pent house ngunit sinabi niyang nabuburyo na rin siya. Balak niyang bisitahin sina Ate Fely sa lugar na pinag-iwanan niya sa mga ito.Kaya lang w

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status