Share

Chapter 29

Author: noowege
last update publish date: 2026-05-02 15:43:51

Tahimik ang buong byahe. Nararamdaman ni Elena ang mga sulyap ni Hector sa kaniya. Pakiramdam niya tuloy, alam na ni Hector na hindi siya si Farah. Napalunok siya. Baka nagha-hallucinate lang siya. Baka hindi naman talaga siya ang tinitingnan nito.

“I don't know. Pero halos hindi na ako tinitingnan ni Hector ngayon. Hindi tulad noon.”

Naalala niyang minsan ay sinabi iyon ni Farah sa kaniya. Hindi rin naman malungkot si Farah noong sabihin iyon. Tila ayos lang dito na ganoon na lang ito itrato
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 30

    Kabado si Elena habang tinitingnan ang mga papel sa drawer ng opisina. Kahit ang mga lumang files ay tiningnan niya. Sinabi niya kay Hector na maglilinis lang muna siya dahil na-bored siya. Pero ang totoo ay gusto niya lang kalkalin ang mga gamit doon at hanapin ang papel na naglalaman ng mga illegal transactions ni Hector. Maari niyang gamitin iyon para ipataob si Hector. Sisiguraduhin niyang babagsak ang lahat ng pinaghirapan nito sa gagawin niya. Irereport niya iyon sa awtoridad. Kailangan niya lang mahanap kaagad iyon at aalis siya sa poder ni Hector at doon sa malayo siya gagawa ng paraan para umabot sa husgado ang mga files. Ilalabas niya ang lahat ng baho ng lalaki.“Oh, cleaning?”Kaagad niyang ibinaba ang hawak na folder at dali dali na nagpunas. Nalaman niya kay Farah na madalas ito sa opisina ni Hector at naglilinis rin ito sa opisina ng lalaki. Ginagawa niya lang ang mga dating ginagawa ni Farah roon. Atsaka, doble purpose na rin dahil may hinahanap siya.Kaya lang ay mu

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 29

    Tahimik ang buong byahe. Nararamdaman ni Elena ang mga sulyap ni Hector sa kaniya. Pakiramdam niya tuloy, alam na ni Hector na hindi siya si Farah. Napalunok siya. Baka nagha-hallucinate lang siya. Baka hindi naman talaga siya ang tinitingnan nito. “I don't know. Pero halos hindi na ako tinitingnan ni Hector ngayon. Hindi tulad noon.” Naalala niyang minsan ay sinabi iyon ni Farah sa kaniya. Hindi rin naman malungkot si Farah noong sabihin iyon. Tila ayos lang dito na ganoon na lang ito itrato ni Hector ngayon. Inakala niya pa man din noon na talagang may gusto ito kay Hector. Iyon pala'y ginagamit lang din nito ang lalaki katulad ng pagamit nito sa ama ni Hector.Kaya lang, masiyadong delikado ang ginawa ng babae. Pero para sa anak nito ay itinuloy pa rin nito iyon. Talagang walang makakahadlang dito kapag ang anak na nito ang pinag-usapan. Kaya lang ay wala na ang bata at hindi man lang nito naranasang maging ina. Katulad niya. Hindi nila pareho naranasang maging magulang. Isa si

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 28

    Hinila siya ni Farah papasok sa mansyon kung saan naroroon ang kaniyang ama. Natanaw niya ito sa teresa bago sila nagtungo sa malaking sala at doon masinsinang nag-usap.“Anong plano mo at umabot ka pa rito? Are you spying Hector? Gosh! Baliw ka na ba sa kaniya ngayon?!”Nagtagis ang bagang niya sa mga inaakusa nito sa kaniya. At talagang siya pa itong baliw roon sa tao e si Hector ang totoong baliw rito pagkatapos siyang dukutin nito at dalhin sa Switzerland. Salamat kay Hector at naisalang siya sa eye transplant at nakakakita na siya ngayon.“You're just a fvck buddy. For Pete's sake! Tapos na kayo kaya wag ka na maghabol doon. He's not good for you anyway,” patuloy ni Farah at namaywang. “He is a díck. Hindi niya deserve ang kahit na sino.”Ilang saglit ay napansin ni Elena na tila nag-iba ang tuno nito nang magsimulang magsalita ito tungkol kay Hector. Akala niya ay aakuin na naman nito ang lalaki at makikipag-away sa kaniya. Kaya lang iba na ngayon ang lumalabas sa bibig nito. T

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 27

    Pinagmasdan ni Hector ang jar kung saan nakalagay ang abo ng kaniyang namayapang ama. Tama. Namatay ang ama niya. Hindi dahil sa sakit kundi dahil pinapatay niya ito. Kung baliw ito ay baliw rin siya. Ni hindi niya naranasan ang pagmamahal mula rito. Maaga siyang isinalang sa delikadong gawain at muntik na siyang mamatay dahil sa kabaliwan nito. Hindi rin nito minahal ang ina niya. Pinakasalan lang nito ang kaniyang ina dahil sa negosyo at mga underground business nito. Pinangako niya sa sarili niya noon na darating ang panahong siya mismo ang tatapos dito. Bunga siya ng poot at panggagagamit kaya malamang sa malamang na magbubunga iyon ng hindi talaga maganda. At ang hindi magandang iyon ay... siya.“Hector, baby. You can take me as your wife now. Wala na ang Daddy mo. Wala nang hadlang sa ating dalawa.”Nilingon niya ang may-ari ng boses. Si Farah.Nanunuyang sumilay ang ngisi niya sa babae. Hindi niya inasahan ang susunod na sasabihin ni Farah. Kung sana may pagtingin pa siya ri

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 26

    Hindi Miami, hindi sa kung saang lugar o sa ibang bansa kundi sa Pinas. Tama. Nakarating na nga si Elena sa Pinas sa wakas. Sa dami ng pinagdaanan niya ay nagawa niyang makauwi.Ang nangingitim niyang balat ay mas pinapaitim pa ng araw sa tabing dagat. Sinadya niya iyon upang hindi kaagad makilala ng kahit sinong tauhan ni Hector. Gamit ang kaunting impormasyon ay natunton niya ang pinaglagyan sa ama niya. Natagpuan niya ang ama sa isang tahimik na isla sa sulok ng Barrio. Inaalagaan ito ng mga care taker din ng mansyon na iyon. Naalala niya kaagad sina Ate Fely nang makarating siya sa lugar na iyon. Sa ganoong lugar din nakatira ang mag-ina. Nag-apply siyang care taker din sa kabilang mansyon upang masilip niya kahit papaano ang ama niya. Habang naghihintay siya ng tyempo na makuha at maitakas ang ama ay gusto niyang masiguro na nasa malapit siya at parati niyang napa-follow up ito. Kailangan niyang malaman ang araw araw na mga activities nito at kailangan niyang siguruhin na lig

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 25

    Matapos ang mahabang pagkakakulong ni Elena sa isang pribadong isla ay dinala naman siya ni Hector pabalik sa Switzerland. Sa pagkakataong iyon ay sa Lauterbrunnen siya dinala nito. Sa lugar kung saan sikat sa pangalang The ‘Valley of 72 Waterfalls’ ang pinakamagandang view na nakita niya buong buhay niya. Napanganga siya nang makita sa personal ang waterfall na bumabagsak mula sa cliff. Tila nakapasok siya sa fantasy world dahil sa view na nasa harapan niya. Malapit na malapit ang water fall sa mga kabahayan at napaka unique nitong tingnan. “Let's head to the hotel first before we go around and explore the whole place.”Nilingon ni Elena si Hector nang magsalita ito. Nakasuot ito ng makapal na slim-fit black turtleneck na sinamahan ng aviators jacket at sa baba ay ang Leather or faux-leather trousers na dahilan para mas magmukha itong mas intimidating tingnan. Ngali ngali siyang tumango at sumunod kay Hector nang alalayan siya nito pababa sa kinatatayuan. Medyo madulas ang kinaror

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status